SALAGIMSIM NG KAHAPON
sa panulat ni:Jeffrey
R. Dangilan
Malalim na ang gabi, nakabibingi ang katahimikan at
maaliwalas ang buong paligid ng biglang maalimpungatan si Berting. Naglalakbay
ang kanyang diwa sa mga gunita. Mama, huwag nyo po akong iiwan, hagulhol na
pagmamakaawa ng bata. Anak, hindi kita kayang bigyan ng magandang kinabukasan.
Wala na ang iyong ama. Ihahabilin na lang muna kita sa iyong mga lala.
Natitiyak kong magiging maayos ang iyong buhay. Maari mong maabot ang iyong mga
pangarap. Kapag pinag-aral ka nila, pilitin mong makatapos sapagkat yaon lamang
ang iyong magiging puhunan sa hinaharap. Mabilis lang ang pag-inog ng panahon,
hindi mo mamamalayan ay tapos kana. Basta lagi mo lamang tatandaan na maha
kita, pagbalik-baligtarin mo man ang mundo ay anak pa rin kita. Ikaw ang inalagaan ko ng siyam na buwan
sa aking sinapupunan, ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap at
magpasahanggang ngayon ay patuloy na nagpapakatatag.
Sa murang edad ni Berting ay hantad na agad sa
realidad ng buhay. Sa halip na isang batang naglalaro sa kalawakan at
nagtatatakbo sa malaparaisong mundo ay mababanaag ang pagsubok ng buhay sa
malaampalaya niyang nuo at lalam na labi. “Nasaan po ba si papa? Bakit niya
tayo iniwan? Hindi nya ba tayo, ako mahal?”. Alam mo anak, gustuhin ko mang ibalik ang kahapon
ay hindi ko magagawa. Ngunit lahat ng salagimsim ng kahapon ay nagsisilbing
pagsubok lamang upang maging matatag tayo sa hinaharap. Huwag kang tumigil na
mangarap sapagkat ang mangarap ay libre ngunit kailangan mong pagsumikapan kung
nais mong ito’y makamit. Alam mo, mahirap lang kami, ni hindi nga ako
nakapagtapos ng pag-aaral. Wala eh, kulang kami sa usaping pinansyal. Kaya
umalis ako sa mga lala mo, nagpakalayo at nakipagsapalaran sa nayon, sa Manila.
Sa una, talagang kapit sa patalim, walang kakilala, hindi mo alam kong ano ang
naghihintay sayo.
Nagtrabaho ako sa isang karinderya. Ayos naman ang
pasweldo, kaya lang bawat kainin mo ay ibabawas sa iyong sweldo. Hanggang sa
wala ng matira sa kita kundi pambayad sa tirahan. Isang araw ay may nakilala
akong mayamang mag-asawa. Nangangailangan sila ng nani na mag-aalaga ng
kanilang siyam na taong unica hijo. Kung ikukumpara sa kinikita ko sa
karinderya ay mas malaki ng isa’t apat na porsyento ang sweldo kaya mas pinili
kong tanggapin ang pagkakataon. Naging maganda ang katayuan ko, hindi naman
kasi pasaway ang aking alaga. Mabait ang mag-asawa ngunit hindi nagtagal ay
laging mainit ang ulo sakin ni ate, ang amo kong babae. Ewan ko lang nagseselos
yata sa akin kasi sobrang bait ng kanyang asawa sa akin. Bahala na nga sila.
Kinalaunan ay natanggap naman ako sa tahian, tila ito na ang pinakamasayang
pangyayari sa aking buhay. Ditto ko nakilala ang iyong ama. Noong una, syempre
pakipot pa ang mama mo pero dahil sa kanyang tiyaga ay nakamit nya rin ang aking
matamis na oo.
May mga bagay rin akong pinagsisihan, kung inilaan
ko sana ang aking kinikita sa aking pag-aaral bago ang pag-ibig baka naibigay
ko pa sa iyo ngayon ang isang maayos na buhay at kumpletong pamilya. Ilang
saglit ay sumagi sa isipan ni Berting ang kanyang bagong mundo sa piling ng
kanyang lala Mara. Siya ay mapagmahal ngunit istriktong ilaw ng tahanan, ito
ang nag-iisa niyang pag-asa upang makataos ng pag-aaral. Malungkot man ngunit
sulit na rin sapagkat dito ay may pag-asa siyang makapagtapos ng pag-aaral.
Ngunit lagging may balakid, si lolo Devan na hindi maintindihan kung bakit
kumukulo ang dugo sa kanya. “tiya Mabel, turuan mo naman po ako sa aking
takdang aralin” wika ni Berting. Mabel ,hayaan mo si Berting, paano iyan
matututo kung iyong tuturuan, hayaan mo siya matututo sa kanyang sarili. Hindi
ko malaman kong bakit wala na akong tama sa matandang ito. Maging sa kanyang
pagkain, nakadilat ang kirat na mata ng matanda. Sa bawat galaw at tila may
CCTV na laging nakamasid at napapansin ang lahat ng mga gawi.
Sa kanyang paglilimi ay biglang sumagi sa kanyang
isipan, “Bakit iba ang apilyedo ni tita Mabel at lolo Devan sa apilyedo ni
mama?”. bakit nga kaya? Biglang dumating si Devan. Berting! Berting! May
sinaing na ba? Hala, patay, nalimutan kong magsaing. Lagot ako nito. Lintik
kang bata ka, anong pinaggagagawa mo at hindi ka nakapagsaing?. Dahil dyan,
hindi ka pwedeng kumain, magsawa kang magutom. Tingnan ko naman kong hindi ka
madala. Walang magawa si Berting kung hindi umupo sa isang sulok at idaan sa
iyak ang kalam ng tiyan na nararamdaman.
Nasundan pa ito ng isang araw ay dumating na lasing
si Devan. Berting bumangon ka nga diyan. Ngunit hindi naiingli ang batang si
Berting. Dali-daling umalis si Devan at kumuha ng gulok at akmang tatagain si
Berting. Ano iyan Devan? Bulyaw ni lala Mara. Tumigil ka nga diyan, lasing ka
na naman! Subukan mong saktan si Berting, hindi ako magdadalawang-isip na
palayasin ka sa pamamahay na ito. Hindi ko ipagpapalit ang aking apo ng dahil
lamang sa iyo. Mas gugustuhin kong mawala ka sa buhay ko sa halip na ang aking
apo. Lumayas ka! Layas! Layas!. Natigilan si Devan at umalis ng bahay.
Hindi mapigilan ang pagtulo ng luha ni Berting.
Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Subukan lamang niyang saktan ako,
sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan. Dahil sa hindi makataong
pagtrato ni Devan kay Berting, napilitan itong maglayas na lamang. Atrasado ang
kanyang paglakad, hindi malaman kung pakaliwa o pakanan at hindi mawari kong
saan siya tutungo. Basta ang nasa isip niya sa oras na iyon ay makaalpas sa
kweba ng kalbaryo. Karingringkring! krig!, tumunog ang kanyang cellphone.
Tumatawag si tiya mabel. Hindi niya sinagot ang kanyang telepono. Patuloy sa
paglakad sa gitna ng nakatagong liwanag, maaliwalas ang buong paligid. Tamlay
na tinatahak ang daang hindi alam kung saan ang tungo. Napatigil siya sa isang
kanto, ng biglang may lumabas na isang tila nauulol na aso. Naalimpungatan
siya, nagising ang kanyang diwa. Hindi mawari ang gagawin, nangangatal sa takot
at pangamba na baka gawing pagkain ng natatakam na aso. Kumaripas siya ngtakbo
sa daan patungo sa bahay ni Bb. Rosana. Hingal na hingal, nagangatal at nawala
sa diwa ang kanyang paglayas sa kanila.
O, Berting, anong ginagawa mo rito? Wika ni Bb.
Rosana- ang kanyang malapit na guro. Naglayas po ako sa amin. Eh, saan ka
ngayon patungo? Hatinggabi na Berting. Kung gusto mo ay dito kana muna sa bahay
tumuloy. Talaga po, Bb. Rosana? Oo, hindi ka naman kaiba sa akin. Halika na,
huwag kang mahiya, ako lang naman ang nakatira dito. Magpahinga kana.
Tiktilaok! Nagising siya sa ingay ng mga hayop sa
paligid. Magandang umaga sa iyo Berting. Bumangon kana at kumain muna tayo ng
agahan. Habang kumakain ang dalawa “ano ba talaga ang nangyari sa iyo? Bakit ka
naglayas sa inyo? Pagtatakang tanong ng magandang Bb. Hindi ko napo kasi
masikmura ang pagmamalupit sa akin ni lolo Devan. Simula ng masilayan ko ang
silangan puro hirap at sama ng loob na lamang ang aking naramdaman. Tila baga
wala ng magandang pangyayari sa aking mga alaala. Kung wala kang ibang
matutuluyan, dumito ka muna kahit pansamatala lamang. Ako ang bahala sa mga
pangangailangan mo. Wala naman kasi akong kasama dito sa bahay. Kung gusto mong
magtuloy ng pag-aaral ay tutulungan kita basta ipangako mo lamang na iyong
pagbubutihan. Magsumikap kang makapagtapos ng pag-aaral dahil iyan lamang ang
iyong sandigan na mapanghahawakan sa hinaharap. Sumagi sa kanyang isipan ang
mga pangaral ng ina.
Tumulong siya sa mga gawaing bahay. Naglilinis,
nagluluto, at tuwing sabado ay pinapaganda niya ang bakuran. Sa kabilang banda
nama’y tinulungan siya ni Bb. Rosana na magpatuloy sa pag-aaral. Sa araw ng
linggo siya ay naglilingkod sa simbahang bato bilang isang altar boy. Sa
kabilang dako, pinuntahan ni lala Mara si Bb. Rosana sa kanyang tahanan. “Tao
po”, sigaw ng matanda. Sumilip sa bintana si Bb. Rosana. Sino po sila? Ang
tanong ng dalaga. Pasok po kayo. Ako ang lola ni Berting gusto ko sana siyang
makausap. Sana ay bumalik na siya sa amin. Gayunpaman, lubos akong nagpapasalamat
sa pagmamalasakit mo sa kanya. At ipagpaumanhin mo na rin kong nagambala naming
ang pribado at tahimik mong buhay. “Huwag po kayong mag-alala, kakausapin kop o
si Berting na bumalik na sa inyo.”
Makailang paliwanag man ang gawin ng binibini ay
hindi magbukas ang isipan ni Berting na bumalik sa kanila. Hindi pa rin
naghihilom ang sugat ng kanyang kahapon. Nakatanaw sa malayo at malalim ang
iniisip. Sa gitna ng takipsilim ay naroroon ang pangambang muling masaktan,
maliitin at makaramdam ng hindi tamang pagtrato ng isang tao na ni minsa’y
hindi niya itinurinn na kaiba.
Tiktilaok! Daddy, daddy, gising na po tanghali na.
mahuhuli na kayo sa opisina ninyo. At saka may pasok pa rin po kami. “hays, ang
lahat ay isang panaginip na lamang ng kahapon. Mayroon na akong sariling
pamilya. Isang buo at masayang pamilya. At hindi lamang sila ang aking pamilya.
dala-dala ko pa ang pagiging ama ng lalawigang sa akin ay umaasa at nagmamahal.
No comments:
Post a Comment