Makabagong Dulog sa Pagtuturo: Mga uri ng Tayutay
Thursday, October 8, 2015
Sunday, March 15, 2015
DAGOK NG KAHAPON sa panulat ni : Jeffrey R. Dangilan
DAGOK NG KAHAPON
sa
panulat ni : Jeffrey R. Dangilan
Nakaupo sa isang tabi
Nag-iisip at nagmumuni-muni
Nakatingin sa kawalan
hindi mainpinta ang larawan
Tama na, pwede ba?
Masakit na, hindi ko na kaya
Nakaraan ay hindi maitatanggi
Namumutawi sa mukang tila api
Pagkamulat ay iniwan yaong amang walang
paki
Kinalaunan, pinabayaan ng inang
nagsisisi
Kung minsa’y pinag-iinitan ni Panut na
bayawak
Tanging hangad ikaw ay lumagapak
Ang lahat ay hahamakin
Magtitiis hanggang kakayanin
Upang mgandang bukas para sa akin
Tila bituin na nagniningning sa paningin
SALAGIMSIM NG KAHAPON sa panulat ni:Jeffrey R. Dangilan
SALAGIMSIM NG KAHAPON
sa panulat ni:Jeffrey
R. Dangilan
Malalim na ang gabi, nakabibingi ang katahimikan at
maaliwalas ang buong paligid ng biglang maalimpungatan si Berting. Naglalakbay
ang kanyang diwa sa mga gunita. Mama, huwag nyo po akong iiwan, hagulhol na
pagmamakaawa ng bata. Anak, hindi kita kayang bigyan ng magandang kinabukasan.
Wala na ang iyong ama. Ihahabilin na lang muna kita sa iyong mga lala.
Natitiyak kong magiging maayos ang iyong buhay. Maari mong maabot ang iyong mga
pangarap. Kapag pinag-aral ka nila, pilitin mong makatapos sapagkat yaon lamang
ang iyong magiging puhunan sa hinaharap. Mabilis lang ang pag-inog ng panahon,
hindi mo mamamalayan ay tapos kana. Basta lagi mo lamang tatandaan na maha
kita, pagbalik-baligtarin mo man ang mundo ay anak pa rin kita. Ikaw ang inalagaan ko ng siyam na buwan
sa aking sinapupunan, ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap at
magpasahanggang ngayon ay patuloy na nagpapakatatag.
Sa murang edad ni Berting ay hantad na agad sa
realidad ng buhay. Sa halip na isang batang naglalaro sa kalawakan at
nagtatatakbo sa malaparaisong mundo ay mababanaag ang pagsubok ng buhay sa
malaampalaya niyang nuo at lalam na labi. “Nasaan po ba si papa? Bakit niya
tayo iniwan? Hindi nya ba tayo, ako mahal?”. Alam mo anak, gustuhin ko mang ibalik ang kahapon
ay hindi ko magagawa. Ngunit lahat ng salagimsim ng kahapon ay nagsisilbing
pagsubok lamang upang maging matatag tayo sa hinaharap. Huwag kang tumigil na
mangarap sapagkat ang mangarap ay libre ngunit kailangan mong pagsumikapan kung
nais mong ito’y makamit. Alam mo, mahirap lang kami, ni hindi nga ako
nakapagtapos ng pag-aaral. Wala eh, kulang kami sa usaping pinansyal. Kaya
umalis ako sa mga lala mo, nagpakalayo at nakipagsapalaran sa nayon, sa Manila.
Sa una, talagang kapit sa patalim, walang kakilala, hindi mo alam kong ano ang
naghihintay sayo.
Nagtrabaho ako sa isang karinderya. Ayos naman ang
pasweldo, kaya lang bawat kainin mo ay ibabawas sa iyong sweldo. Hanggang sa
wala ng matira sa kita kundi pambayad sa tirahan. Isang araw ay may nakilala
akong mayamang mag-asawa. Nangangailangan sila ng nani na mag-aalaga ng
kanilang siyam na taong unica hijo. Kung ikukumpara sa kinikita ko sa
karinderya ay mas malaki ng isa’t apat na porsyento ang sweldo kaya mas pinili
kong tanggapin ang pagkakataon. Naging maganda ang katayuan ko, hindi naman
kasi pasaway ang aking alaga. Mabait ang mag-asawa ngunit hindi nagtagal ay
laging mainit ang ulo sakin ni ate, ang amo kong babae. Ewan ko lang nagseselos
yata sa akin kasi sobrang bait ng kanyang asawa sa akin. Bahala na nga sila.
Kinalaunan ay natanggap naman ako sa tahian, tila ito na ang pinakamasayang
pangyayari sa aking buhay. Ditto ko nakilala ang iyong ama. Noong una, syempre
pakipot pa ang mama mo pero dahil sa kanyang tiyaga ay nakamit nya rin ang aking
matamis na oo.
May mga bagay rin akong pinagsisihan, kung inilaan
ko sana ang aking kinikita sa aking pag-aaral bago ang pag-ibig baka naibigay
ko pa sa iyo ngayon ang isang maayos na buhay at kumpletong pamilya. Ilang
saglit ay sumagi sa isipan ni Berting ang kanyang bagong mundo sa piling ng
kanyang lala Mara. Siya ay mapagmahal ngunit istriktong ilaw ng tahanan, ito
ang nag-iisa niyang pag-asa upang makataos ng pag-aaral. Malungkot man ngunit
sulit na rin sapagkat dito ay may pag-asa siyang makapagtapos ng pag-aaral.
Ngunit lagging may balakid, si lolo Devan na hindi maintindihan kung bakit
kumukulo ang dugo sa kanya. “tiya Mabel, turuan mo naman po ako sa aking
takdang aralin” wika ni Berting. Mabel ,hayaan mo si Berting, paano iyan
matututo kung iyong tuturuan, hayaan mo siya matututo sa kanyang sarili. Hindi
ko malaman kong bakit wala na akong tama sa matandang ito. Maging sa kanyang
pagkain, nakadilat ang kirat na mata ng matanda. Sa bawat galaw at tila may
CCTV na laging nakamasid at napapansin ang lahat ng mga gawi.
Sa kanyang paglilimi ay biglang sumagi sa kanyang
isipan, “Bakit iba ang apilyedo ni tita Mabel at lolo Devan sa apilyedo ni
mama?”. bakit nga kaya? Biglang dumating si Devan. Berting! Berting! May
sinaing na ba? Hala, patay, nalimutan kong magsaing. Lagot ako nito. Lintik
kang bata ka, anong pinaggagagawa mo at hindi ka nakapagsaing?. Dahil dyan,
hindi ka pwedeng kumain, magsawa kang magutom. Tingnan ko naman kong hindi ka
madala. Walang magawa si Berting kung hindi umupo sa isang sulok at idaan sa
iyak ang kalam ng tiyan na nararamdaman.
Nasundan pa ito ng isang araw ay dumating na lasing
si Devan. Berting bumangon ka nga diyan. Ngunit hindi naiingli ang batang si
Berting. Dali-daling umalis si Devan at kumuha ng gulok at akmang tatagain si
Berting. Ano iyan Devan? Bulyaw ni lala Mara. Tumigil ka nga diyan, lasing ka
na naman! Subukan mong saktan si Berting, hindi ako magdadalawang-isip na
palayasin ka sa pamamahay na ito. Hindi ko ipagpapalit ang aking apo ng dahil
lamang sa iyo. Mas gugustuhin kong mawala ka sa buhay ko sa halip na ang aking
apo. Lumayas ka! Layas! Layas!. Natigilan si Devan at umalis ng bahay.
Hindi mapigilan ang pagtulo ng luha ni Berting.
Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Subukan lamang niyang saktan ako,
sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan. Dahil sa hindi makataong
pagtrato ni Devan kay Berting, napilitan itong maglayas na lamang. Atrasado ang
kanyang paglakad, hindi malaman kung pakaliwa o pakanan at hindi mawari kong
saan siya tutungo. Basta ang nasa isip niya sa oras na iyon ay makaalpas sa
kweba ng kalbaryo. Karingringkring! krig!, tumunog ang kanyang cellphone.
Tumatawag si tiya mabel. Hindi niya sinagot ang kanyang telepono. Patuloy sa
paglakad sa gitna ng nakatagong liwanag, maaliwalas ang buong paligid. Tamlay
na tinatahak ang daang hindi alam kung saan ang tungo. Napatigil siya sa isang
kanto, ng biglang may lumabas na isang tila nauulol na aso. Naalimpungatan
siya, nagising ang kanyang diwa. Hindi mawari ang gagawin, nangangatal sa takot
at pangamba na baka gawing pagkain ng natatakam na aso. Kumaripas siya ngtakbo
sa daan patungo sa bahay ni Bb. Rosana. Hingal na hingal, nagangatal at nawala
sa diwa ang kanyang paglayas sa kanila.
O, Berting, anong ginagawa mo rito? Wika ni Bb.
Rosana- ang kanyang malapit na guro. Naglayas po ako sa amin. Eh, saan ka
ngayon patungo? Hatinggabi na Berting. Kung gusto mo ay dito kana muna sa bahay
tumuloy. Talaga po, Bb. Rosana? Oo, hindi ka naman kaiba sa akin. Halika na,
huwag kang mahiya, ako lang naman ang nakatira dito. Magpahinga kana.
Tiktilaok! Nagising siya sa ingay ng mga hayop sa
paligid. Magandang umaga sa iyo Berting. Bumangon kana at kumain muna tayo ng
agahan. Habang kumakain ang dalawa “ano ba talaga ang nangyari sa iyo? Bakit ka
naglayas sa inyo? Pagtatakang tanong ng magandang Bb. Hindi ko napo kasi
masikmura ang pagmamalupit sa akin ni lolo Devan. Simula ng masilayan ko ang
silangan puro hirap at sama ng loob na lamang ang aking naramdaman. Tila baga
wala ng magandang pangyayari sa aking mga alaala. Kung wala kang ibang
matutuluyan, dumito ka muna kahit pansamatala lamang. Ako ang bahala sa mga
pangangailangan mo. Wala naman kasi akong kasama dito sa bahay. Kung gusto mong
magtuloy ng pag-aaral ay tutulungan kita basta ipangako mo lamang na iyong
pagbubutihan. Magsumikap kang makapagtapos ng pag-aaral dahil iyan lamang ang
iyong sandigan na mapanghahawakan sa hinaharap. Sumagi sa kanyang isipan ang
mga pangaral ng ina.
Tumulong siya sa mga gawaing bahay. Naglilinis,
nagluluto, at tuwing sabado ay pinapaganda niya ang bakuran. Sa kabilang banda
nama’y tinulungan siya ni Bb. Rosana na magpatuloy sa pag-aaral. Sa araw ng
linggo siya ay naglilingkod sa simbahang bato bilang isang altar boy. Sa
kabilang dako, pinuntahan ni lala Mara si Bb. Rosana sa kanyang tahanan. “Tao
po”, sigaw ng matanda. Sumilip sa bintana si Bb. Rosana. Sino po sila? Ang
tanong ng dalaga. Pasok po kayo. Ako ang lola ni Berting gusto ko sana siyang
makausap. Sana ay bumalik na siya sa amin. Gayunpaman, lubos akong nagpapasalamat
sa pagmamalasakit mo sa kanya. At ipagpaumanhin mo na rin kong nagambala naming
ang pribado at tahimik mong buhay. “Huwag po kayong mag-alala, kakausapin kop o
si Berting na bumalik na sa inyo.”
Makailang paliwanag man ang gawin ng binibini ay
hindi magbukas ang isipan ni Berting na bumalik sa kanila. Hindi pa rin
naghihilom ang sugat ng kanyang kahapon. Nakatanaw sa malayo at malalim ang
iniisip. Sa gitna ng takipsilim ay naroroon ang pangambang muling masaktan,
maliitin at makaramdam ng hindi tamang pagtrato ng isang tao na ni minsa’y
hindi niya itinurinn na kaiba.
Tiktilaok! Daddy, daddy, gising na po tanghali na.
mahuhuli na kayo sa opisina ninyo. At saka may pasok pa rin po kami. “hays, ang
lahat ay isang panaginip na lamang ng kahapon. Mayroon na akong sariling
pamilya. Isang buo at masayang pamilya. At hindi lamang sila ang aking pamilya.
dala-dala ko pa ang pagiging ama ng lalawigang sa akin ay umaasa at nagmamahal.
Pagsusuri ni Jeffrey Romasanta Dangilan
Masusing
Pagsusuri ng Nobela
I.
Pamagat ng Akda: Magkabiyak ng Bayani
May-akda: Domingo G. Landicho
Mga Tauhan:
1. Benigno S. Aquino, Jr. – Nagmula sa
kilalang angkan at lider ng oposisyong political na kritiko ni Marcos.
2. Corazon C. Aquino – May-bahay ni Ninoy
at ina ng demokrasya.
3. Lupita Kashiwara – Kapatid na babae ni
Ninoy
4. Don Benigno Aquino,Sr. – Ama ni Ninoy,
isang duling na hinihinalang nakipagtulungan sa mga hapones.
5. Hen. Servillano Aquino – Isang politico,
beterano ng rebolusyon at lolo ni Ninoy.
6. Gob. Gen. Theodore Roosevelt, Jr.-
kaibigan ni Don. Benigno
7. Ka Felix Manalo – Tagapagtatag ng Iglesia
Ni Cristo, malapit sa mga Aquino
8. Salvador “Doy” Laurel – Anak ni
pangulong Laurel at matalik na kaibigan ni Ninoy
9. Jose Bautista – editor sa Manila
Times-isang pahayagan
10. Joaquin Chino Roces – May-ari ng
peryodiko-Manila Times
11. Ramon Magsaysay – kalihim ng Tanggulang
Pambansa sa Malakanyang
12. Pang. Elpidio Quirino – Kumilala sa
mabuting gawa ni Ninoy
13. Moises Padilla – Isang dating gerilya at
natagpuang tadtad ng punglo ng terorismo
14. Luis Taruc – Supremo ng mga Huk
15. Ed Landsdale – Pinunong military ng
sandatahang Lakas at kontra sa komunismo
16. Pangulong Ferdinand E. Marcos – Ang
diktador ng bansa at kabro ni Ninoy sa Upsilon Sigma Phi. Sa Unibersidas ng
Pilipinas
17. Ken Kashiwahara – Bayaw ni Ninoy na
isang “broadcast journalist”
II.
Buod
Ang nobela ay umikot sa buhay ng isang
makabagong bayani, ang martir ng bayan at ina ng demokrasyang Pilipino.
Makulimlim ang panahon at parang luluha ang langit sa pagbabalik ni Benigno
Aquino, Jr. Itinagtag ang dalawang oplan
para sa pagbabalik ni Aquino. Siya ay nagmula sa kilalang angkan, ang
tagapagtanggol at lingkod bayan. Ang bagong katayuan sa politika ng kanyang ama
ang nagpabago sa buhay ni Ninoy. Si Don
Benigno ay nasa sangandaan ng ng pag-unlad political ng kanyang bayan. “Sa akin
pinakamahalaga ang paglaya ng Pilipinas”, lagging sabi ni Don Benigno kay
Ninoy. Labimpitong gulang siya ng mabaling sa pag-aaral ng batas.
Bilang peryodista ay nakarating siya sa
Tsina at sa iba’t ibang bansa. Maluningning ang pangalang Ninoy ng siya ay
magawaran ng Philippine Legion of Honor for Meritorious Service sa 18 taong
gulang. Sa gulang na ito ay nabihag ni Cory ang puso ni Ninoy. Hindi nagtagal
sila ay ikinasal dahil sa isang aksidente ng sila ay pauwi na. Siya ay naging
punong lungsod sa edad na 23 at kinalaunan ay naging ama ng lalawigan ng
Tarlac. Si pangulong Marcos na kabrad niya sa Upsilan Sigma Phi. ang naging
mortal niyang kaaway. Pinag-initan siya ng pangulo kung kaya’t maging ang mga
patayan sa kalapit na lalawigan ng Concepcion ay sa kanya binibintang.
Hindi naglaon siya ay tumakbo sa
pagkasenador ng bansa at siya lamang ang nag-iisang kandidato ng liberal party
na kowalisyon ng oposisyon ang pumasok sa eleksyong pambansa. Nagtungo si
Aquino sa ibang bansa upang pumasailalim sa isang bypass surgery operation. Sa
kanyang pagbabalik ay nagimbal ang lahat ng isang putok ang umalingawngaw.
Tinamaan sa ulo ang bayani ng demokrasya. “The Filipino is worth dying for”,
sabi ni Ninoy, at ang lahing ito ngayon ay parang walang katapusang daloy ng
santinakpang may nais isigaw sa daigdig, ibulong sa kaluluwa ng bangkay.
Natagpuan nila ang lakas sa muling pagkikita, nakita nla muli ang sarili bilang
isang buo at matatag na bayan, nagdadamayan at nagmamahalan sa isa’t isa.
III.
Pagsusuri
A. Uring
Pampanitikan
Ang
akda ay isang nobela na kung saan ay kinapapalooban ng kabanabanata.
B. Istilo
ng Paglalahad
Ang
akda ay inilahad sa organisadong pamamaraan na hindi dumaan sa maligoy na
pagpapakita ng ideya ng akda. Sinimulan ang unang kabanata sa pinagmulan ng
pangunahing tauhan patungo sa isang pangyayaring naglundo sa paggising ng mga
makadilaw na lipunan.
C. Balyus
Ang
nobela ay kapupulutan ng gma kagandahang pag-uugali. Sa katauhan ni Ninoy ay
ang pagiging matiyaga, pagiging isa sa mababang-uri ng lipunan bagaman siya ay
mula sa may kayang angkan at ang diwa ng pagkakaisa para sa isang makalipunan
at makataong bansa.
D. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan/Teorya
•
Teoryang
Eksistensyalismo – sapagkat ito ay tumatalakay sa pakikihamok ng isang
itinuturing na bayani ng makabagong panahon. Ang kalayaan sa pagpili na kung
saan ay mas ginusto ni Ninoy na magbalik sa bansa upang ipagpatuloy ang
nasimulan sa kabila ng mga banta na kanyang natatanggap. Hindi man niya pinili
na mamatay ay ito ang naging kinalabasan ng kanyang pagpapakabayani para sa
demokrasya ng bansa.
•
Teoryang
Realismo – Ang nobela ay tunay na pangyayari sa kasaysayan ng bansang
Pilipinas. Relaidad ng buhay ng isang
ama ng masang Pilipino na ang tanging hangad ay pagbabago at
pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan
•
Teoryang
Maxismo – dito ay pinapaksa ang tunggalian ng tauhan sa ibang tauhan at tauhan
sa lipunan. Ang alitan ni Ninoy at ni Marcos, at ang pakikibuno at simpatya ng
mga mamamayang Pilipino sa pagkamatay ni Ninoy
2. Mga pansin at Puna
Ang
kalagayan ng pangunahing tauhan ay sumasalamin sa iba’ ibang mukha at kulay ng
lipunan. Nagtataglat ng katangiang makaPilipino at isinilang na may dugong
bayaning maihahalintulad sa pangyayari sda panahon ni Rizal. Ang kanilang
pagkamatay ang nagsilab sa damdamin ng mga Pilipino upang kumaalpas sa gapos ng
isang pamumunong diktador.
3. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
Ang
nobelang Magkabiyak na Bayani ay nagkintal sa aking isipan sa malaking ambag ng
diwang dilaw, diwang Aquino sa pakikipaglaban para sa isang demokratikong
pamumuno at pagsupil sa isang pamamahalang puno ng karahasan at pagbasura sa
karapatang pantao
B. Bisa
sa Damdamin
Naantig
ang aking puso sa dakilang pagmamahal ng pangunahing tauhan sa Inang Bayan. Sa
kabila ng gma banta sa kanyang buhay at pagmamalupit ng pamahalaan at
nagpatuloy pa rin siya sa pagtuligsa at pakikipaglaban sa pamahalaan
C. Bisa
sa Kaasalan
Ang
pagiging makaPilipinong pag-uugali ng tauhan ang naging dahilan sa dakilang
pagmamahal ng taong bayan.
D.
Bisa sa Lipunan
Ang
pagkamatay ng kinikilalang ama ng partidong political ng oposisyon ang naglundo
upang ang sambayanang Pilipino ay magkapit bisig para mapatalsik ang isang
diktatoryal na pamahalaan at manumbalik ang demokratikong pamumuno na bagluklok
kay Cory bilang pangulo ng bansa.
IV. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
A. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan
Ang
mga Pilipino sa panahong ito ay takot na kumalaban sa pamumuno ni Pangulong
Marcos ngunit isinilang ang isang tao na may paninindigan. Gayunpaman,
masasabing maunlad ang ekonomiya ng bansa at isa sa pinamamarisan ng karatig
bansa pagdating sa kalagayang pampinansyal at ekonomiya ng Pilipinas.
B. Kulturang Pilipino
Isa
sa kulturang Pilipino na ipinamalas sa akda ay ang paggiging makabansa o
makabayan. Ang pagmamahal sa bansang sinilangan.
C
.Pilosopiyang Pilipino
Isang
ganap na malayang bansa at nagkakaisang bayan ang tinatanaw ng tauhan sa
nobela. Pagiging positibo sa lahat ng laban para sa sambayanang Pilipino.
D. Simbolismong
Pilipino
Ang pagkamatay ni Ninoy ay naging
simbolo sa matagumpay na Edsa People Power Revolution. Isang pangyayaring
nakaukit sa kasaysayan ng bansa sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon na
nakapagpatalsik ng isang diktador na pangulo ng bansa sa isang mapayapang
rebolusyon. Tanging sarili at rosary lamang ang pananggalang habang nakikibaka
sa lansangan ang taong bayan. Ito ay nabantog sa buong mundo, na kaya palang
magpatalsik ng isang matinik na pinuno sa isang mapayapang paraan.
Subscribe to:
Posts (Atom)