Sunday, March 15, 2015

Kalipunan ng Pagsusuri ni Jeffrey Romasanta Dangilan


Masusing Pagsusuri ng Tula
I.              Pamagat ng Akda: Sa kabataang Pilipino
May-akda: Gat. Jose P. Rizal
Sanggunian: Panitikang Asyano
II.            Buod
Ang tulang “Sa Kabataang Pilipino” (A La Juventud Filipino) ay nagsasaad ng hamon sa mga kabataang Pilipino na gumising sa pagiging manhid at imulat ang mga sarili sa mga nagaganap sa paligid. Ang tula ay nagpapabatid din sa mga kabataan na magkaroon ng adhikaing matulungan ang inang bayan.
III.           Pagsusuri
A.   Uring Pampanitikan
Ang akda ay isang tula na kinapapalooban ng lalabindalawahing pantig, may sukat ngunit di tugma ang taludturan. Mayroong tono na nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona. Ito ay nagtataglay ng kahulugang higit na malalim sa literal na ipinapahayag.
B.    Istilo ng Paglalahad
Ang manunulat ay gumamit ng pamaraang daloy ng kaisipan sapagkat tinangkang pukawin ang isipan ng mga kabataan na ipagmalaki ang lahing Pilipino mula sa pagiging mangmang patungo sa kabataan bilang pag-asa ng inang bayan .



C.   Mga Tayutay
        Pagpapalit-tawag
      -“Awit ni Pilomel na sa dusay gamot”, ito ay nangangahulugang isang lunas na parang isang Ibong Adarna na naging sagot sa karamdaman ni haring Fernando ng Berbanya. Nais ni Rizal na ang kabataan ang siyang magiging lunas at magpapalaya ng kanyang lupang sinilangan.
      -“O, ikaw, na iyang pakpak na nais”, ito ay himig ng pananalig saq kabataang Pilipino na maabot nito ang tugatog ng tagumpay.
D. Balyus
                  Matuto tayong tumayo sa ating sariling at huwag magbulag-bulagan sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.
E. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan/Teorya
        Teoryang Humanismo – Ang tula ay naaayon sa humanistang paniniwala sapagkat napuna ni Rizal sa mga nangyayari sa paligid na ang mga kabataan ay rasyunal na may kakayahang maging mabuti at siyang tataguyod sa kasarinlan ng bayang sinilangan. Sa pamamagitan ng isang masining na pamamraan ng pagpapahayag, naiparating niya ang mensahe sa kapwa kabataan.
        Teoryang Imahismo – Ang tula ay nasa teoryang imahismo sapagkat gumamit ang may-akda ng angkop o tiyak na salita, simbolismo at porma ng pagsulat.
2. Mga pansin at Puna
        Galaw ng Pangyayari – Ang pagkakabuo ng tula ay nasa puntong ang may-akda ay nagbibigay ng hamon sa mga kabataan na gumising at huwag maging manhid sa hagupit ng karanasan ng mga kastila. Bagamat gumamit si Rizal ng mga tayutay, imahen at mga simbolismo direkta pa ring naiparating ang hamon niya sa mga kabataan. Hindi naging maligoy sa pagsasalansan ng mga ideya at mga pangyayaring kasalukuyang nararanasan ng Inang Bayan.

3. Bisang Pampanitikan
A.   Bisa sa Isip
Ang akda ay isa lamang sa mga nagmulat ng aking isipan sa hindi makatuwirang pagmamalupit ng mga Kastila sa panahong yaon sa bayang sinilangan. Pinukaw niya na marapat lamang na ipagmalaki ang lahing Pilipino sapagkat ito lamang ang nagbibigay ng liwanag sa landas na tatahakin. Tinuruan akong mangarap ngunit para maabot ang pinapangarap , dapat itong paghandaan at pagsumikapan sa pamamagitan ng pag-aaral at pagpapakadalubhasa.
B.    Bisa sa Damdamin
Naantig ang aking damdamin sa pagiging positibo ni Rizal sa kabila ng mga kalupitang sa murang isip ay naranasan niya at ng kanyang pamilya. Naging masaya ang aking damdamin sa tinatanaw ng tula na may magandang bukas na kakaharapin ang bansang Pilipinas na sa kasalukuyang panahon ay tunay nating nararanasan.
C.   Bisa sa Kaasalan
Sa pahayag ni Rizal na “ itaas ang noong aliwalas” na nagpapakita ng isang liwanag sa landas na kanilang tatahakin. Pagpukaw sa isipan ng mga kabataaan na gumising at magpakadalubhasa upang iligtas  ang naghihingalong Inang Bayan sa pamamagitan ng isang malinis, makatao at makaDiyos na pamamaraaan.
D.   Bisa sa Lipunan
Ang akda ay nakintal sa bawat kabataang Pilipino ayon sa aklat nina G.F. Zaide at J.M. Zaide, naging klasiko sa Panitikang Pilipino ang tula sapagkat ito ang pinaka-unang tulang naisulat sa wikang espanyol subalit isinulat ng isang katutubo na kinikilala ng Sambayanang Pilipino at sa kauna-unahang pagkakataon, ang tula ay naglalahad ng isang konsepto ng pagkamakabayan ng mga Pilipino na tayo ang pag-asa ng ating bayan at hindi ng mg abanyaga.
IV. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
A. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan
Ninais ng may-akda na mapag-isa ang lahat ng mga kabataan  upang maging instrumento ng pagbabago. Isang pagbabago na nagbibigay ng pagkakataon upang maiahon ang bansang sinilangan.
B. Kulturang Pilipino
Maaring pumasok dito ang pagiging makabansa ng mga Pilipino. Isang kulturang hindi maiaalis sa sansinukuban.
C.   Pilosop[iyang Pilipino
Ang tula ay tumatanaw sa isang paniniwala ng mayy-akda sa kakayahan ng kabataang Pilipino na maging puno at tagapagtaguyod ng karapatang pantao at kasarinlan ng bansa.
D.   Simbolismong Pilipino
Tulad ng isinasaad sa tula na " kilos kabataan at iyong lagutin, ang gapos ng iyong diwa at damdamin" na sumisimbolo ng kapangyarihan-kapangyarihan na nagbibigay pag-asa para iligtas ang naghihingalong Inang Bayan.










SA KABATAANG PILIPINO
ni Dr. Jose P. Rizal

Itaas ang iyong noong aliwalas
Mutyang Kabataan, sa iyong paglalakad
Ang bigay ng Diyos na tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng bukas.

Ikaw ay bumaba, O katalinuhan,
Mga puso naming ay nangaghihintay,
Magsahangin kanga’t an gaming isipa’y
Ilipad mo roon sa kaitaasan!

Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw
Na mga silahis na dunong at sining;
Kilos, kabataan at iyong lagutin
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan mo ang putong na nakasisilaw,
Sa gitna ng dilim ay ‘di matitigan;
Ang putong na yaon ay dakilang alay
Sa nalulugaming iyong Inang Bayan

O, ikaw, na iyang pakpak na nais
At handang lumipad sa rurok ng langit,
Upang kamtan yaong matamis na himig,
Doon sa Olimpo’y yamang nagsisikap.

Ikaw, na ang tinig ay lubhang mairog,
Awit ni Pilomel na sa dusa’y gamot,
Lunas na mabisa sa dusa’t himutok,
Mga kaluluwang luksa’t alipin ng lingkot.

Ikaw na ang diwa ay matalas, makinang
Bunga ng palaging pakikipaglaban,
Kaluluwang sumapit sa iyong hantungan,
Ang nagiging pala’y walang hanggang buhay.

At ikaw, O Diwang mahal ni Apeles,
Sinuyo sa wika ni Pebong marikit,
O sa isang putol na lonang makitid.
Nagsalin ng kulay at ganda sa langit.

Hayo na ngayon di’t pag-alabin mo
Ang apoy ng iyong isip at talino,
Ang magandang ngala’y ihasik sa mundo,
At ipagbansagan ang dangal ng tao.

O dakilang araw ng tuwa at galak,
Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas!
Magpuri sa Bayang sa iyo’y luungap
Umakay sa iyo sa magandang palad. 


1 comment: