Saturday, February 7, 2015

Isang Banghay

                                             Banghay-Aralin sa Filipino III
I. Layunin:
            Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
  1. Nakapagsasadula ng isang karanasang kaugnay sa mga pangyayaring nakapaloob sa tula.
  2. Nakaguguhit ng mga simbolong may kaugnayan sa akda at naipapaliwanag ito.
  3. Naiisa-isa ang mga positibong katangian ng isang ina at anak na nakapaloob sa tula.
  4. Nakapaglalagom ng mga tiyak na pangyayari sa tula sa tulong ng story ladder.
  5. Nakasusulat ng isang liham kaugnay ng paksa ng tulang binasa.
  6. Napapahalagahan ang aktibong pakikilahok sa talakayan.
II. Paksang-aralin
A.    Pamagat: Ang Pamana ( Tula ) ni: Jose Corazon Aragon de Jesus
B.     B. Aralin: Ikaapat na Markahan, Ikalawang Linggo; Unang Araw
C.     Sanggunian: Sandigan ( Filipino III )
Pahina 414-418
D.    Mga Kagamitan
Sipi ng tula                                 Biswal
Cassette                                     Pisara at yeso
CD
E.     Integrasyong Asignatura
Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapahalaga
F.      Pagpapahalaga
Pagpapahalagang pandamdamin at pangkaasalan
Pagpapahalaga sa magulang
III. Pamamaraan
           Gawain ng Guro                                                     Gawain ng mga Mag-aaral
  1. Pang-araw-araw na gawain
  1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin, simulan muna natin ito sa isang panalangin na pamumunuan ni: _________________.
  
  1. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!

            Maari na kayong umupo.
      
  1. Pagtiyak sa liban
Mayroon bang liban sa araw na ito?
            Mabuti!

  1. Pagpapahalaga sa Kasunduan
      Kahapon, napagkasunduan natin na isusulat ninyo sa kalahating bahagi ng papel ang katangian ng tula at ang iba’t ibang uri nito.
     Inaasahan ko na kayong lahat ay tumupad sa ating naging kasunduan.
                 

           Pakipasa na ng inyong ginawa.

  1. PAGBABALIK-ARAL
  1. Ano ang katangian ng tula?                
  2. Ibigay ang iba’t ibang uri ng tula.             
  3. Ano ang mahahalagang elemento ng tula?

  1. PAGGANYAK
      Sino sa inyo ang mahilig makinig ng musika?
      Nais nyo bang makarinig ng isang awitin sa sandaling ito?
      Ngayon ay makikinig tayo ng isang awitin sa oras na ito.       Inaasahan ko na ang lahat ay masusing makikinig sa awiting isasalang ko. Habang kayo ay nakikinig, kunin ninyo ang mensahe, kaisipan at damdaming nakapaloob sa awiting inyong maririnig. Ito ay may pamagat na   “Sa Ugoy ng Duyan.”
       Handa na ba kayong makinig?

Pagkatapos maiparinig ang awit;

1.      Ano ang mensahe at kaisipan ng awit na ating pinakinggan?
2.      Ano ang naging damdamin ninyo hinggil dito?
3.      Ano ang paksa ng awiting ating pinakinggan?

     Ang awiting ating napakinggan ay may kaugnayan sa ating akdang  tatalakayin sa araw na ito sapagkat ito ay nagpapahayag ng damdamin  at pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina katulad ng tulang ating babasahin at tatalakayin sa mga sandaling ito. Masasalamin din dito ang pag-ibig, pag-aalaga at pagsasakripisyo ng isang ina sa kanyang anak.

  1. PAGTALAKAY SA ARALIN      *    Bago natin simulan ang pagtalakay sa tula ay hawiin muna natin ang maaaring maging sagabal sa inyong pagkatuto. Naririto ang ilang piling salita o parirala na bibigyan ninyo ng iba pang kahulugan batay sa inyong pagkaunawa.
  1. namamanglaw
  2. kasangkapan
  3. hibla ng katandaan
  4. lumuha ang anak
  5. pamana


·          Madamdaming pagpapabasa ng tula sa isang piling mag-aaral na may pamagat na: “Ang Pamana” ni Jose Corazon de Jesus. Pagkatapos basahin ng isang mag-aaral ang tula ay papangkatin sa dalawa ang klase upang basahin muli ang tula.

*Pangkatang Gawain
      Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Papangkatin ko kayo sa tatlo at bawat pangkat ay isasagawa ang mga gawaing nakatakda para sa inyo nang maayos at malinaw.
     Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang gawin ang gawaing nakalaan para sa inyo at tatlong minuto para sa pagbabahagi nito sa klase.
    Maliwang ba?
   
    Ito ang gagawin ng bawat pangkat:

    Pangkat 1:  Pagsasadula ng mga tiyak na pangyayaring inilahad sa tula.
     Istratehiya: Pagsasadula ng isang pangyayari sa tula na may kaugnayan sa sariling karanasan.
    Pangkat 2: Pagguhit ng isinasaad na mensahe ng tula.
     Istratehiya: Pagguhit ng isang simbolo na may kaugnayan sa pangunahing kaisipan ng tula at ipaliwanag kung paano isinasaad ang mensahe ng tula mula sa iginuhit.
   
   Pangkat 3: Pagpapakita ng pakikisangkot sa pamamagitan ng pagpupuno sa mga strands ng banderitas.
     Panuto: Isulat sa banderitas A ang positibong katangian ng isang ina na ipinapakita sa akda at sa banderitas B ay ang mga positibong katangian naman ng isang anak.

  Pangkat 4: Pagbubuod sa tula
       Istratehiya: Story Ladder – gagamitin ito para maibigay ang buod ng tula sa pamamagitan ng pagsasalaysay.

    1. Tauhan
    2. Mga Pangyayari
    3. Pag-uusap ng mag-ina
    4. Madamdaming Tagpo
    5. Kadakilaan ng Ina
    6. Wakas

   Wala na ba kayong mga katanungan hinggil sa inyong mga gagawin?
    
    

        Tulad ng ating nakagawian, ibibigay ninyo ang listahan ng mga pangalan ng inyong pangkat sa isang buong papel. At sa pagkakataong ito, bibigyan ninyo ng karampatang puntos ang bawat pangkat batay sa kanilang pagbabahagi sa unahan.
     
(Paglalahad ng pamantayan sa pagmamarka)

*Pagkatapos ng nakatakdang oras ay ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga napagkasunduan.

  1. PAGLALAHAT
     Ang tulang ating tinalakay sa araw na ito ay isang magandang akda na kapupulutan natin ng magagandang aral. Ito ay naglalayong palawigin pa ang pagmamahal sa ating mga magulang habang sila ay naririyan sa ating piling. Ipahayag ninyo sa inyong mga magulang ang inyong wagas at dakilang pag-ibig sa kanila. Sundin ninyo ang kanilang mga tagubilin upang maging lubos ang kanilang kasiyahan.

                   Sa tulang ito, ano kaya ang nais ipabatid ni Jose Corazon de Jesus sa mga kabataan at mag-aaral na tulad ninyo?
  




    Bilang isang mag-aaral, paano mo masusuklian ang pagmamahal at pagsasakripisyo ng iyong mga magulang sa iyo/







  1. EBALWASYON
 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang pamagat ng tula na ating tinalakay sa araw na ito? Maaari ka bang magsalaysay ng isang pangyayari na may kauganayan sa iyong buhay batay sa tulang ito?
2. Ibigay ang kaisapan at mensahe na nakapaloob sa tula.




3. Ano ang iyong naging damdamin matapos nating matalakay ang akdang ito?
4. Sa iyong palagay, mayroon pa bang katulad ng  bata sa tula na labis pa rin ang  pag-ibig sa magulang kaysa sa material na bagay? Patunayan.
5. Kung ikaw ang masusunod, ano ang gusto mong manahin sa iyong magulang? Bakit ito ang gusto mo?

IV. KASUNDUAN
1.         Basahing muli ang tula at unawaing mabuti isinasaad ng nito.
2.         Gumawa ng isang liham para sa iyong magulang na kaugnay ng tulang “Ang Pamana”.
3.         Lagyan ito ng disenyo at tiyaking maayos ang nilalaman nito. (Nagsasaad ito ng pagdakila, pagmamahal, pasasalamat at paghingi mo ng kapatawaran sa mga nagawa mong pagkukulang sa iyong mga magulang)
4.         Ihanda ang sarili para sa pagbabahaginan ng ginawang liham para sa magulang.
Sanggunian:

Sandigan sa Filipino III
Ni: Lolita M. Andrada (Direktor IV)
Pahina  416-419







Sa Ngalan ng Ama, ng Anak . . .
AMEN.

Magandang umaga rin po, Ginoong Gutierrez!
Salamat po.


Wala po!










Opo!





(Ang mga mag-aaral ay sasagot batay sa kanilang ginawang takdang-aralin.)


















 Opo, Sir!































(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga salitang angkop sa mga nakalahad na salita na may kaugnayan dito.)























Opo, Sir!





































Wala na po, Sir!



































      Nais niya pong ipabatid sa atin na hindi po matutumbasan ng anumang materyal na bagay ang pagmamahal ng isang ina sa kanilang mga anak.





      Para matumbasan ko ang kanilang dakilang pag-ibig at pagsasakripisyo sa akin, unang-una po ay mag-aaral po akong mabuti at magsususmikap na makatapos ng aking pag-aaral upang maging buo ang kanilang kagalakan. Iaalay ko po ang karangalang iyon sa kanila.







No comments:

Post a Comment