Saturday, February 7, 2015

Filipino 11 “Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat”


Ang blogger na ito ay binuo ng mananaliksik upang mahantad ang mga 21st century learners ” na mas kilala bilang “digital natives” sa paggamit ng mga elektronikong insturmento bilang isang epektibong kagamitang panturo at pagkatuto lalo’t higit sa pagbabasa.
                                                -JEFFREY ROMASANTA DANGILAN-


PAGBASA GAMIT ANG E-BOOK BILANG KAGAMITANG PANTURO
Panimula
     Sa pagtuntong ng bawat mag-aaral sa lalong mataas na lebel ng edukasyon, mangangailangan siya ng mga bagong kasangkapan upang matugunan ang mga sopistikadong kailangan sa iba’t ibang kasanayang akademiko. Pinakamahalaga dito ay ang gawaing kognitibo na hahamon sa kakayahan ng mag-aaral sa higit na sopistikadong lebel ng prosesong pangkaisipan sa tulong ng kaalaman niya sa sistema ng wika. Matutugunan lamang ang hamong ito sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa. Ang kakayahan sa pagbasa ay ang kasanayang makabuluhan sa pagtatagumpay sa kolehiyo upang lubusang maisakatuparan ang mga gawaing akademiko sa iba’t ibang larangan.
Bilang isang lipunan na umuusbong ang mga makabagong teknolohiya at kaalinsabay ng nagbabagong panahon. Maraming mga tao ang natutulungan at patuloy na tinutulungan ng mga ito. Kadalasang iniuugay ang teknolohiya sa mga makabagong imbentong gadget na natuklasan sa tulong ng mga proseso at prinsipyong maka-agham.
Hindi lingid sa atin na tayo ngayon ay nasa estado na tinatawag nating digital natives na kung saan lahat ay namulat sa mga digital na teknolohiya. Maraming adbentahe ang dulot sa ating lipunan ng mga makabagong teknolohiyang ito sa lalong mabilis at madaliang pangangailangan ng mga tao. Kaugnay nito, maraming mga nakalimbag na libro ang patuloy na isinasalin sa elektronikong paraan. Naimbento ang Ebook o Electronic book, isang bersyon ng elektronikong libro na naglalaman ng mga nakalimbag na akda at larawan na maaring mabasa sa pamamagitan ng mga kompyuter, tablet at smartphones.
Sa kasalukuyan, ito ang bagong kinahihilagan sa mundo ng impormasyon at teknolohiya. Sa tulong ng mga elektronikong libro na ito mas madaling nakukuha ang atensyon ng mga mag-aaral para sa epektibong pagtuturo at pagkatuto ng bawat indibidwal. Malaki ang tulong na ambag ng elektronikong literatura sa proseso ng pagkatuto.
     Malaki ang naitutulong ng imbensyong ito sa nakararami sapagkat maaaring kang magdownload at makapagbasa ng isang akda sa madaling panahon (instant). Hindi na rin kakailanganin pang pumutol ng puno na gagawing papel para lamang makapaglimbag ng mga libro. Sinasabi na ito ay portable sapagkat sa tulong ng mga smartphones, CD at laptop ay madadala mo na lahat ng nilalaman ng silid aklatan na hindi nangangamba sa dami at bigat nito. Maaari rin namang mabago ang laki ng mga letra nito para sa mas medaliang proseso ng pagbabasa.
Sinasabi sa umuusbong na makabagong panahon, darating ang araw na teknolohiya na ang makapagbibigay ng lahat ng pangangailangan ng tao. Ito ay ang tinatawag na “Digital Natives” o mga batang namulat sa mundo ng teknolohiya (Education Technology).
Ang sobrang paggamit ng mga gadgets ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan ay maaaring makaapekto sa kanilang klasrum performans. Ang lubos na paggamit ng kagamitan na ito ay may iba’t ibang dulot. Maaaring kalabasan nito na magkaroon ng malaking posibilidad na maging obese ang bawat isa. Nakasisira ito sa kalusugan lalo na sa mata. Alam nating marami ang kabataan na nag-aasam at naghahangad na magkaroon nito, Banton (2014).
Walang sinuman ang maaaring pumigil sa patuloy na pagbabago sa buhay ng mga tao, dahil ang pagbabago na ito ay nagbibigay ng pinakamahusay na bagay sa isang indibidwal, Paton (2013).
Ang mga hinalayhay na pag-aaral at literature ay may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik sapagkat tumutugon ito sa palasak na paggamit ng mga elektronikong instrumento sa kasalukuyang panahon na kung tawagin ay digital world.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang pagbasa gamit ang ebook o elektronikong aklat ng mga mag-aaral na nasa unang taon, antas sekondarya ng mga mag-aaral ng Kolehiyong Pampamahalaan sa Agrikultura at Teknolohiya ng Mindoro na sinikap sagutin sa pag-aaral na ito ang kadahilanan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga elektronikong libro. Ninais ding alamin ang impluwensiya sa pagbasa gamit ang ebook ng mga mag-aaral batay sa mga kasagutang nakapaloob sa talatanungan.
     Ipinapalagay ng mananaliksik na walang kinalaman ang edad, kasarian, at medyor na siyang profayl ng mga mag-aaral sa pagbasa gamit ang ebook ng mga mag-aaral ng Departamento ng Kaguruan. Ipinapalagay rin na mayroong positibo at negatibong epekto ang pagbasa gamit ang ebook ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng Departamento ng Kaguruan.
     Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa paggamit ng ebook bilang instrumeto sa pagbasa. Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa paaralan sapagkat hindi na kinakailangan na magsiksikan ang mga mag-aaral sa pagtungo sa silid-aklatan. Makatutulong din ito sa mga susunod na mananaliksik sapagkat magiging hanguan nila ito ng mga impormasyon sa gagawin nilang pananaliksik na may kinalaman dito.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo at pamamaraang palarawang pananaliksik. Sapagkat nais ilarawan at tukuyin ang pananaw ng mga respondente hinggil sa pagbasa gamit ang ebook ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng Departamento ng Kaguruan ng Kelehiyong Pampamahalaan sa Agrikultura at Teknolohiya ng Mindoro.
Layunin ng pag-aaral na ito na matugunan ang pangangailangan sa mga kagamitang pampagtuturo lalo’t higit sa paglinang ng pagbasa gamit ang mga makabagong teknolohiya tulad ng ebook na patuloy na umuusbong at umuunlad sa bawat taon. Ninais din ng mananaliksik na makalikha ng sariling website o blogger na maglalaman ng mga impormasyon tulad ng literature o panitikan at mga aralin na may kinalaman sa paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mabisang pagbasa.
Naniniwala ang mga mananaliksik na kailangang pag-aralan ang ganitong uri ng suliranin upang matukoy ang mga positibo at negatibong dulot ng pagbasa gamit ang ebook ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng Departamento ng Kaguruan. Lalo’t higit pa na patuloy na umiiral ito at sa kasalukuyang panahon
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang pagbasa gamit ang ebook ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng departamento ng Kaguruan ng Kolehiyong Pampamahalaan sa Agrikultura at Teknolohiya ng Mindoro, sinikap sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:
1. Ano ano ang kadahilanan ng mga mag-aaral sa paggamit ng ebook sa halip na magtungo sa silid aklatan?
2. Nagkaroon ba ng malaking impluwensiya ang mga elektronikong librong ito sa pang-araw-araw na pag-aaral ng mga mag-aaral?
3. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral anong mungkahing elektronikong instrumento upang mapaunlad ang paggamit ng mga elektronikong libro bilang kagamitan sa pagbasa








Sanggunian
A. Aklat
Simon, E. J.(2001) Electronic Textbooks: A Pilot study of Student Ereading Habits.
Jatz, R. L. (2002)Isang Pag-aanalisa sa Epekto ng Ebook sa mga pang-akademikong silid aklatan
Paquito B. Badayos,(2000) Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
B. Elektronikong Sanggunian

No comments:

Post a Comment