Impeng
Negro
Rogelio R. “Sikat” Sicat
Si Impen ay anak ng isang negrong sundalo na
bigla nalang naglaho ngsiya’y ipaninanganak, kaya’t ang kanya na lamang ina ang nag-aalaga sa kaniyaat sa tatlo pa niyang kapatid. Si Impen ay isang
agwador o taga-igib sa kanilang pook.Siya ay maglalabing anim na taong
gulang gulang na. Lagi nalang siyang pinagkukumpara sa kaniyang kapatid na si Kano,
kung tutuusin nga naman siyalang ang
tanging matim o Negro sa pamilya.Gumising si Impen habang pinapangaralan
siya ng kanyang ina
"BAKA makikipag-away ka na naman,
Impeng."Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa
kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng
mumo sa kamay. "Hindi ho," paungol niyang tugon. "Hindi
ho...," ginagad siya ng ina. "Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin
mo'y lagi ka ngang mababasag-ulo."May iba pang sinasabi ang kanyang ina
ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya ang mga iyon. Paulitulit na
niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga. Isinaboy niya ang
tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay, pinagkiskis
ang mga palad at pagkaraa'y naghilamos.
"Dumaan ka kay Taba mamayang
pag-uwi mo," narinig niyang bilin ng ina. "Wala nang gatas si Boy.
Eto ang pambili."Tumindig na siya. Nanghihinamad at naghihikab na iniunat
ang mahahabang kamay. Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na
kanyang higaan. Ngunit kailangang lumakad na siya. Tatanghaliin na naman bago
siya makasahod. At naroon na naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay
lagi siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod.
Umingit ang sahig ng kanilang barungbarong nang siya'y pumasok.
"Nariyan sa kahon ang kamiseta mo."Sa sulok ng kanyang kaliwang mata'y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na giris, nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo. "Mamaya,aka umuwi ka namang...basag ang mukha."Bahagya na niyang maulinigan ang ina. Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid. Sunud-sunod na nakatalungko ang mga ito sa isa pang bangkong nas atagiliran ng nanggigimalmal na mesang kainan. nagsisikain pa.

Matagal na napako ang kanyang tingin
kay Kano, ang sumunod sa kanya. Maputi si Kano, kaya ganito ang tawag dito sa
kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid. Marurusing ngunit
mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama'y maglalabing-anim na. Payat
siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas. Hinalungkat na niya ang kahong
karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang mga damit nila nina Kano, Boyet at
Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang kamiseta. Hinawakan
niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat. "Yan na'ng isuot
mo." Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip. Isinuot niya
ang kamiseta. Lapat na lapat sa kanya ang kamisetang iyon noong bagong bili
ngunit ngayo'y maluwag na. Nagmumukha siyang Intsik-beho kapag suot iyon ngunit
wala naman siyang maraming kamisetang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina
sa paglalabada; mahina rin ang kanyang kita sa pag-aagwador.
Nagbalik siya sa batalan. Nang siya'y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy niyang tinungo ang hagdan.
Nagbalik siya sa batalan. Nang siya'y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy niyang tinungo ang hagdan.
"Si Ogor, Impen," pahabol na
bilin ng kanyang ina. "Huwag mo nang papansinin."Naulinigan niya ang
biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na siyang madapa
nang matalisod sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan. Tuwing
umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw
siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor.Talaga raw gayon
ito: basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang
hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunuksyo sa
kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor. Si Ogor, na kamakailan
lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsisimula ng panunukso: "Ang
itim mo, Impen!" itutukso nito.
"Kapatid mo ba si Kano?" isasabad ng isa sa mga nasa gripo. "Sino ba talaga ang tatay mo?""Sino pa," isisingit ni Ogor, "di si Dikyam!"
Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor. Si Ogor ang kinikilalang hari sa gripo. Noong una, sinasagot niya ang mga panunuksong ito: "E ano kung maitim?" isasagot niya.

Nanunuri ang mga mata at nakangising
iikutan siya ni Ogor. Pagkuwa'y bigla na lamang nitong kakayurin ng hintuturo
ang balat sa kanyang batok.
"Negrung-negro ka nga, Negro," tila nandidiring sasabihin ni Ogor. Magsusunuran nang manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon: Tingnan mo ang buhok. Kulot na kulot! Tingnan mo ang ilong. Sarat na sarat! Naku po, ang nguso...Namamalirong!

Sa katagalan, natanggap na niya ang
panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya sa sarili. Negro nga siya. Ano
kung Negro? Ngunit napapikit siya. Ang tatay niya'y isang sundalong Negro na
nang maging anak siya'y biglang nawala sa Pilipinas. Ang panunuksong hindi
niya matanggap, at siya ngang pinagmulan ng nakaraan nilang pagbababag ni Ogor,
ay ang sinabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama ang kanyang
ina?)
"Sarisari ang magiging kapatid ni Negro," sinabi ni Ogor. "Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!"
"Sarisari ang magiging kapatid ni Negro," sinabi ni Ogor. "Baka makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!"
Noong kabuntisan ng kanyang ina sa
kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi malaman kung saan nagsuot.
At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat.
Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang
barungbarong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At siya ang napagtuunan ng
sarisaring panunukso. Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mula
noon, nagsimula nang umalimpuyo sa kanyang dibdib ang dati'y binhi lamang ng
isang paghihimagsik: nagsusumigaw na paghihimagsik sa pook na iyong ayaw
magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw at mabuhay nang payapa.
Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang tinatalunton niya ang mabatong daan patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga barungbarong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito, ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi nababasa nya ang isinisigaw ng mga paslit: Negro! Napapatungo na laamang siya.
Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan. Naghaharutan. Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala niya ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mula't mula pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailanman binigyan ng pagkakataong maging kaibigan. Halos kassingulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si Ogor. Tuwid ang tindig nito at halos hindi yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig; tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.

Nang marating niya ang gripo ay tungo
ang ulog tinungo niya ang hulihan ng pila. Marahan niyang inalis sa
pagkakakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana'y huwag siya ang
maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador. Nakakaanim
na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kutod
niyang maong. May isa pang nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na naman. Kapag
tag-araw ay malaki-laki rin ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng
tubig sa kanilang pook. At bihira ang may poso. Tanghali na akong makauuwi
nito, nausal niya habang binibilang sa mata ang mga nakapilang balde. Maluwag
ang parisukat na sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pila'y nasa
labas pa niyon.
Di-kalayuan sa gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging medya-agwa niyon ay nakasilong ang iba pang agwador. May naghubad na ng damit at isinampay na lamang sa balikat. May nagpapaypay May kumakain ng halu-halo.
Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pnilit niyang supilin ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi. Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon, kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba't di iikli ang pila? naisip niya. Makasasahod din ako. Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang siga mula sa tindahan: "Hoy, Negro, sumilong ka. Baka ka pumuti!"Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na naman. "Negro," muli niyang narinig, "sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!"
Malakas ang narinig niyang tawanan. Hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod na balde ngunit ang naiisip niya'y ang bilin ng ina, na huwag na niyang papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya papansinin si Ogor? Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde. At habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Sa paligid ng balde, nakikia niya ang kanyang anino. Tumingala siya ngunit siya'y nasilaw. Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang balat. Tila ibig nang matuklap ang balat sa kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang anit at sa ibabaw ng kanyang nguso. may butil na rin ng pawis sa kanyang ilong. Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan, isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa balde. Una niyang binasa ang batok---kaylamig at kaysarap ng tubig sa kanyang batok. Malamig. Binasa niya ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang balikat, ang mga bisig. May nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal, muli niyang naramdaman na tila nangangalirang na naman ang kanyang balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balikat.

"Negro!" Napauwid siya sa
pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran lamang niya ang nagsalita. Si Ogor.
"Huwag ka nanag magbibilad. Doon ka sa lamig."Pagkakataon na ni Ogor
upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo, muli niyang nakita
na nginingisihan siya nito. Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng mga
balde ni ogor. Napabuntong-hininga siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor
ang mga balde. Sa wakas, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag
na sana siyang bumalik. May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang
pinagmamasdan ang pagkapuno ng sinundang balde. Susunod na siya. Makaka sahod
na siya. Makakasahod na rin ako, sabi niya sa sarili. pagkaraan ng kargang iyon
ay uuwi na siya. Daraan pa nga pala siya kay Taba. Bibili ng gatas. Datapwa,
pagkaalis ng hinihintay niyang mapunong balde, at isasahod na lamang ang sa
kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang kamay ang biglang pumatong sa
kanyang balikat. Si Ogor ang kanyang natingala. Malapit lamang pala ang
pinaghatidan nito ng tubig.
"Gutom na ako, Negro," sabi
ni Ogor. "Ako muna."Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na
balde at kumalantog ang kanilang mga balde. Iginitgit din niya ang sa kanya,
bahagya nga lamang at takot na paggitgit. "Kadarating mo pa lamang, Ogor,
nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a. Ako muna sabi, e,"
giit ni Ogor. Bantulot niyang binawi ang balde, nakatingin pa rin kay
Ogor. Itinaob niya ang kaunting nasahod na balde at ang tubig ay gumapang sa
semento at umabog sa kanilang mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa
sarili. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa araw,humakbang
siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid
ni Ogor. "Ano pa ba ang ibinubulong mo?"Hindi n a niya narinig
iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi ng nabiawang balde.
Napasigaw siya. Malakas. Napaluhod siya sa madulas na semento. Kagyat na bumaha
ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak.Habang nakaluhod, dalawang kamay niyang
tinutop ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan
niyang iniangat iyon. Basa...Mapula...Dugo! Nanghilakbot siya. Sa loob ng
isang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na pisngi. Mangiyak-ngiyak
siya.
"O-ogor...O-ogor..." Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad. Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. "Ogor!" sa wakas ay naisigaw niya. Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw.

Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal
ang lahat ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng
tawanan. At samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan
niyang mga mata ang mga paang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa
kanya.
Bigla siyang bumaligtad. nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma ang mga bisig. "O-ogor..."Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at nakangangang napapikit siya. Pumuslit ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa kanyang pigi. Napasigaw iya. Umiiyak siyang gumuglong sa basa at madulas na semento. Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi, ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha'y larawan ng matinding sakit.
Matagal din bago napawi ang paninigas ng kanyang pigi. Humihingal siya. Malikot ang kanyang mga mata nang siya'y bumangon at itukod ang mga kamay sa semento.

Si ogor...Sa mula't mula pa'y
itinuring na siya nitong kaaway...Bakit siya ginaganoon ni Ogor? Kumikinig
ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang
muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol
na asong sinunggaban niya iyon at niyakap at kinagat. Bumagsak ang nawalan
ng panimbang na si Ogor. nagyakap sila. Pagulung-gulong. Hindi siya bumibitiw.
Nang siya'y mapaibabaw, sinunud-sunod niya: dagok, dagok, dagok... pahalipaw...
papaluka...papatay. Sa pook na iyon, sa nakaririmarim na pook na iyon, aba
ang pagtingin sa kanila. Marumi ng babae ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At
siya isang maitim, hamak na Negro! Papatayin niya si Ogor. papatayin.
Papatayin! Dagok, dagok, dagok...Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila
asongnagpipilit makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa
isang iglap siya naman ang napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya. Tatagilid.
Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw
siya sa araw. Napipikit siya. Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa. Ngunit
wala siyang nararamdaman sakit. Wala siyang nararamdamang sakit! Kakatatlo
ng asawa si Inay. Si Kano...si Boyet...si Diding...At siya...Negro. Negro.
Negro! Sa mga dagok ni ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla,
ubos-lakas at nag-uumiri siyang umigtad. napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha
ni Ogor. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...Kahit saan. Sa dibdib.
Sa mukha. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok, dagok, dagok... Mahina na si
ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang nagsasanggang kamay. Humihingal na rin
siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang poot sa kanyang mga mata. Dagok.
Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...
Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni
Ogor. "Impen..."
Muli niyang itinaas ang kamay. "I-Impen..." Halos hindi niya narinig ang halingling ni Ogor. "I-Impen...s-suko n-na...a-ako...s-suko...n-na...a-ako!"Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya Abut-abot ang pahingal. makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likod. May basa ng dugo't lupa ang kanyang nguso.
Maraming sandaling walang nangahas magsalita. Walang makakibo sa mga agwador. Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito. Ang nababakas niya'y paghanga. Ang nakita niya'y pangingimi.
Pinangingimian siya! May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga kamao. nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa'y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha. Sa matinding sikat ng araw, tila sya ang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.

Talambuhay
ni Rogelio R. Sicat
Si Rogelio R. “Sikat” Sicat (1940-1997) ay isang Pilipinong
piksyonista,mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina
Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940
sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid.
Si Rogelio Sikat ay nagtapos sa kursong Batsilyer ngPanitikan sa Pamamahayag
mula saPamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng
Pilipinas.
Siya ay
nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Naging tanyag dahil sa
"Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng
gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga
istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na
nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa
ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia
Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.
Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining
at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si
Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa
U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting
Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang
kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito
ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni
Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng
Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.
“Balangkas
sa Pagsusuri ng Maikling kwento”
I.
Pamagat
Ang Impeng Negro ni Rogelio Sikat ay isang pagpapatunay na sa
kabila ng ating unti-unting pag-unawa at pagtanggap sa kalagayan ng iba ay
hindi pa rin naiiwasan na nasusukat natin ang personalidad ng isang tao dahil
sa kanilang panlabas na anyo. Taglay ang kakaibang katangian sa paningin ng iba
ay naikabit sa kanyang pagkatao ang katagang Negro, para bang ito lamang ang
kanyang katangian na kung ating susuriin ay nahusgahan na kaagad ang kanyang
pagkatao. Sa simpleng salita sa kasimplehan ng istorya ay natumbok ng awtor ang
sensitibong usapin ukol sa paghuhusga na ginagawa natin sa ating kapwa. Kaagad
nating sinasarado ang ating pinto sa mga taong hindi natin nagugustuhan dahil
lamang sa kanilang panlabas na anyo o kaya’y estado sa buhay. Ang Impeng Negro
ay sumasalamin sa buhay ng isang tao na nahihirapang tanggapin ang pinagkaloob
sa kanya ng kalikasan hindi dahil sa ayaw niyang maging ganoon subalit dahil sa
paraan ng pagtanggap sa kanya ng iba.
Sino ba si Impen-yung negro, sino ba yung negro-si Impen… Sa
etimolohiyang pagpapaliwanag, parte na ng kulturang Filipino bago pa man
dumating ang mga kastila ang pagkakabit ng salita na maaring maglarawan sa
taong tinutukoy. Paano kung hindi maitim si Impen babansagan pa kaya siyang
negro? Syempre, tumataginting na hindi dahil hindi na negro ang naglalarawan sa
kanya, pero mananatili ang kanyang pangalang Impen-maaring Impeng agwador,
Impeng iyakin, Impeng uhugin, impeng mestiso at marami pang iba. Sa makatwid,
malaki ang ginagampanan ng pamagat upang lubos na maunawaan ng mambabasa ang kwento sa simula pa lamang.
II.
Tauhan
Round
o Bilog
|
Flat
o Lapad
|
1.
Impeng
Negro- Si
Impeng Negro ay maituturing kong
tauhang bilog sa Impemg dahil sa mga pangyayaring nagbago sa kwento. Mula sa
pagiging apihing binatilyo siya ay napuno at pinatunayang hindi siya dapat
minamaliit dahil sa kanyang panlabas na anyo. Siya mula sa pamilyang di mo
malalaman kung ano ang puno kayat kung ano-ano ang bunga. Isang pamilyang
inaapi ngunit di nila alam ang tunay na kwento kayat ganun na lamang kung
humusga ang mga tao sa paligid niya na kung tutuusin ay nangyayari din ngayon
sa ating lipunang ginagalwan. Inaapi at kinukitya dahil sa panlabas na anyo
niya. Ngunit dahil sa pagkimkim ng nararamdaman bumulusok ito at di niya
napigilan.Lumaban siya kay Ogor na mapang-api at mapangutya at pinatunayan
niya na di siya dapat kinukutya dahil kahit ganun ang itsura at kwento ng
pamilya niya ay may dignidad din siya.
Ang may akda ay napakahusay dahil pinalabas niya ang tunay na mga kaganapan sa lipunan ang pangungutya at panghuhusga sa kapwa na di man lang alam ang tunay nilang kwento. |
1.
Ina
ni Impeng- Kung
ating susuriing mabuti siya ay inang iba't iba ang pinagmulan ng lahi ng
kanyang anak o sa madaling salita ay may iba't ibang asawa. Ang panghuhusga
ng mga tao sa kanya ay isang babaeng walang dignidad. Mapapansing alintana
niya ang hirap ng buhay alinsunod sa paglalarawan sa kwento na “nakalugay ang
buhok,bukas ang kupasing damit at nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib.
|
2.
Agor-
Si
Ogor
ay isang mapangapi at mapangutyang tauhan sa kwento na siyang
nagbigay ng dahilan upang gawin o palabasin ang napunong balde ng galit na
ibinuhos ni Impeng sa kanya sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan sa kanya. Sa
bandang huli nawala ang pagsisigasigaan niya, natalo siya ni Impeng na hindi inasahan
ng kapwa niya agwador.Sa pamamagitan din niya naipakita ni Sicat ang mga nasa
taas ng ating lipunan. Ang mga mayayaman at may kaya na humusga sa mga nasa
ibaba nito na dahil sa ganun sila ay nakakaya na nilang maliitin ang isang
tao at kaya nilang tapakan ito sa leeg.
|
3.
Kano-
Si
Kano ay kapatid ni Impeng sa ina. Siya ay anak ng isang amerikanong puti at
kasalukuyang pitong taong gulang.
|
4. Boyet at Diding- Sila
ang mga nakababatang kapatid ni Impeng.
|
|
5. Mga Tao sa Paligid- Mga
taong nakikisimpatya sa kung ano angmangyayari. Sa palagy ko ay isinama ni
sikat ang nga tauhang ito upang imulat ang mga taong nananahimik at ayaw maglabas ng kanilang
saloobin o damdamin tungkol sa katotohanang nangyayari sa kanilang
kapaligiran.
|
III.
Tagpuan
Ang iskwater bilang tagpuan ay isang
maliit at kilalang pamayanan ng mga mahihirap at mababang antas ng lipunan ang
nagsilbing tampukan sa pinagganapan ng kwento. Sa pamamagitan ng paglalarawan
ng katayuan sa buhay, katangiang pisikal, at hanapbuhay ng mga tauhan ay ganap na
napalutang ng may akdaang lugar na ginagalawan sa akda. Masasabi kong akma ang
lugar sa daloy at katangiang nakapaloob sa kwentong Impeng Negro sapagkat
ipinakita at inilarawan ng may akda ang nistruktura ng tahanan, na sinasabing
barong barong lamang at ang poso na pinag-iigiban ng mga agwador na siya ring
pinag-ikutan ng buong kwento. Angkop ang tagpuang ginamit ng may-akda sa paksa
at ideyang pinalitaw ng may akda sa kwento.
IV.
Banghay
1.
Panimula
Nagsimula ang kwento sa paglalahad ng nanay sa mga kadalasang nagyayari kay Impeng. Si Impeng ay isang binatilyong laging napapaaway dahil sa pangungutya at pang aalipusta sa kaniya. Nariyan din ang paglalahad sa tinitirahang tahanan ni Impeng na inilahad sa kwento. Makikita o mababasa din ang gawain o hanap buhay ni Impeng siya ay isang agwador. Siya ay isang maitim na anak ng isang babaeng may iba't ibang asawa ang kanyang mga kapatid ay di niya kakulay kayat dito palang ay malalaman mo na ang katayuan o katangian ng ina mayroon sa pamilya nila.

Suliraning inihahanap ng lunas
Paano kaya maiiwasan ni Impeng ang pangungutya at pangaapi sa kanya ng nga tao. Paano niya mapipigilang isipin ng mga tao sa kanyang kapaligirang ang panghuhusga sa kanyang ina at mismong pamilya?
Sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan niya kay Ogor nalaman niyang kaya nitong ipaglaban ang kanyang sarili na hindi siya dapat tinatapaktapakan ng mga tao dahil lamang sa kung anong kulay at uri ng ina mayroon siya. Pinatunayan niya na di dapat nilalalaitlait at kinukutya ang mga katulad niya.

3. Saglit na kasiglahan
Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa pamilya niya malalaman kung anong uri ng pagkatao mayroon sila ng kanyang pamilya. Sa pamamagitan din ng paglalahad ng may akda sa katangian ni Impeng doon makikita kung bakit siya inaapi at kinukutya ng kanyang mga nakakasalamuha sa lipunan.

Sa pang-aapi ni Ogor nagawa niyang ipaglaban ang kanyang sarili nagawa niyang
ipaghiganti ang pamilya dahil sa mga pang aapi at pangungutyang natatanggap
niya. Ibinuhos niya ang sama at galit ng loob sa pamamagitan ng mga dagok na
binitawan niya sa kasagupaang si Ogor.
4.
Kasukdulan
Sa pamamagitan ng kanyang mga dagok napasuko niya si Ogor na nangungutya sa kaniya. Hindi niya mapaniwala ang lahat sa nagyari kayat ganun na lamang ang katahimikang naganap. Nakadama siya ng galak habang may mga luha sa kanyanv mga mata na tinutuyo pagtitig ng mga matang nasa kaligiran niya. Nadama niya ang bagong mayroon sa sarili ang tuklas na iyon ay ang pagiging matibay at matatag niya.

5.
Kakalasan
o katapusan
Natamo
niya na siya'y tila mandirigma na matatag na nakatindig sa pinagwagihang
larangan.Nasaktan
man si Impen ay napatunayan niya ang kanyang kakaibang lakas.
V.
Paksang diwa (Theme)
Tinalakay
sa kwento ang pangmamaliit at pang-aalipusta ng mga taong iba ang katangian at
kalagayan o uri ng buhay. Tinalakay kung paano dapat ipaglaban ang dangal at
dignidad na di dapat silang husgahan at kutyain dahil sa bagay na kinatatayuan
nila. Inilarawan din ang mga mapangutya, mapang alipusta at mga taong walang
alam sa mga bagay na kanilang hinuhusgahan.
Naipakita ng may-akda ang sakit ng lipunan na magpasakasalukuyang panahon ay nangyayari.
Naipakita ng may-akda ang sakit ng lipunan na magpasakasalukuyang panahon ay nangyayari.
VI.
Himig (mood)
Pagiging matimpi at mapagpasensya ang
naghaharing damdamin sa akda. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagagawa
nating magpasensya, may mga panahon na wika nga ng kasabihan “ kapag puno na
ang salop, kailangan ng bawasan”. Huwag maliitin at husgahan ang isang taon
batay sa kanyang pisikal na katauhan at katayuan sa buhay. Ang lahat ng bagay na
nilikha ng panginoon ay may dahilan at angking katangiang tinataglay.
VII.
Simbolismo
Sa pangalan ng Tauhan
1. Impeng- marahil
ginamit ni Sicat ang Impeng dahil pwedeng ikapit sa malapit na tawag na aping o
naaapi.
2. Negro-
maaaring dahil sa pag-uuri ng mga tao sa pamamagitan ng kulay at katayuan
pwedeng husgahan ang mga tao ang isang bagay. Gaya na lamang sa paghuhusga sa
ina ni Impeng.
Sa mga bagay sa
kwento
1. Balde-
nangangahulagang damdamin na kapag minsan napupuno ay kailangang maisalin o
bawasan gaya ni Impeng, siya ay isang balde na napuno kay Ogor kaya't siya ay
nakipagsagupa dito.
2. Gripo- galit
na pumupuno sa damdamin ni Impeng na dahil sa palaging pagmamalabis ni Ogor sa
pamamagitan ng pang-aapi at pangungutya ay di niya kinaya.
- maaari ring si Ogor na pumuno ng galit sa damdamin ni Impeng kayat lumabas ang tunay na katatagan at tibay nito.
- maaari ring si Ogor na pumuno ng galit sa damdamin ni Impeng kayat lumabas ang tunay na katatagan at tibay nito.
- Dugo- sumisimbolo ito sa kwento nang pagiging malakas
na loob o pagiging matapang na kapag nakita nang may dumanak na dugo o
nasugatan ay lumalabas din ang tapang nang isang tao.
VIII.
Mga Teoryang Pampanitikan
1. Teoryang Realismo -ang akda ay
nakapaloob sa teoryang realismo sapagkat ito ay sumasalamin sa tunay na kulay
at kaganapang nangyayari sa lipunan. Tulad na lamang ng pangungutya,
panghuhusga, at pagmamataas ng ibang uri.mapapansin natin ang teoryang ito sa
buong nilalaman ng akda. Una, sa pagkakaroon ng iba’t ibang asawa ng kanyang
ina. Pangalawa, ang kanilang bahay na tinitirahan at pananamit ng mga tauhan.
Pangatlo, ang panghuhusga ng mga tao alinsunod sa kanyang pisikal na
personalidad-ang pagiging maitim. Ikaapat, ang palagiang pangungutya ni Ogor at
pang-aabuso sa pagwawalang kibo ni Impen. Higit sa lahat, ang pagbabagong naganap kay Impen matapos
hamakin ang kanyang kakayahan at ang sitwasyon ng kanyang ina na lubos niyang
ikinagalit.
2. Teoryang Humanismo – humanismo
sapagkat si Impen ay rasyunal na may kakayahang suriin ang tama sa mali.
Maraming pagkakataon na pinalalampas na lamang
ni Impen ang pangungutya ng lipunan lalo na si Ogor sapagkat ito ang
tama at ito rin ang laging pangaral ng kanyang ina upang makaiwas sa
pakikipagbuno o away.
3. Teoryang Naturalismo – sapagkat lahat
ng nilalang at pangyayari sa kalawakan ay natural na pinagkaloob. Ito ay
nangyayari hindi upang maging sagabal sa ating buhay at pagkatao kundi upang
maging hamon o pagsubok at lahat ng dagok sa buhay ay mayroon solusyon at
katapusan.
IX.
Mga Bisa
Bisang
Pangkaisipan
Sa anumang hamon ng buhay ay matuto tayong lumaban at harapin ang takot na nadarama. Dahil
kung hindi mo ito haharapin ay paulit-ulit ka lamang masasaktan.
Bisang
Pandamdamin
Magandang limiin ang intensyon ng may-akda upang
ihantad sa isipan ng mga mambabasa ang nilalaman ng akda ngunit nakalulungkot
isipin na magpasakasalukuyan ay nangyayari pa rin ito sa ating lipunan.
X.
Pangkalahatang Reaksyon
Puno ng emosyon at kapana-panabik na tagpo ang kwento lalo’t
malinaw na inilarawan dito ang sakit na nararamdaman ni Impen na para bang
ipinalalasap din sa mambabasa ang pakiramdaman na pintasan, magkaroon ng mortal
na kaaway at magkaroon ng magulong at kakaibang pamilya. Sa araw-araw na
pakikibaka ni Impen ay hindi nakakaligtas sa kanya ang ginagawang panlilibak ng
ibang tao, at sa bawat pintas na binibitaw ng mga ito ay para bang sinisibat
ang aking puso dahil tulad niya ay nakikiisa ang aking damdamin sa pagkondena
sa mga taong may makitid na pang-unawa. Maingat na nailarawan ng awtor ang mga
sandaling nagtitimpi si Impen hanggang sa punto na bigla na lang siyang
sumabog. Sa bawat dagok na pinakakawalan niya kay Ogor, ay tumitindi rin ang
aking damdamin dahil kaisa niya ako sa kanyang paghihiganti. Ipinapahayag
lamang dito na mali man ang kanyang ginawa ay nakilala naman niya ang kanyang
nakatagong kakayahan, masaya siya dahil makakalabas na siya sa anino ng
kawalan, makakatakas na siya sa mapanghusgang mata ng kanyang kapitbahay at
kanayon dahil iba na siya ngayon. Hindi na siya ang Impen na isang negro bagkus
si Impen na nakatalo kay Ogor. Isang pambihirang lakas ang sumailim sa kanyang
katauhan na nagdulot ng pagbabago sa kanyang buhay.
Don’t judge the book by its cover… isang gasgas na kasabihan subalit marami parin ang nakakalimot at patuloy ang ginagawang panghuhusga sa kanilang kapwa. Tulad kaya ni Impen, malalaman din kaya ng mga taong hinuhusgahan ang kanilang nakatagong taglay?...

No comments:
Post a Comment