Masusing
Pagsusuri ng Maiklling Kwento
I.
Pamagat ng Akda: Bunga ng Kasalanan
May-akda: Cirio H. Panganiban
Sanggunian: Maikling Kwento at Nobela
Mga Tauhan:
1. Virginia – Ang babaing madasalin at
palasimba
2. Rodin – Ang asawa ni Virginia
I.
Buod
Nagsimula ang kwento tungkol sa
mag-asawang si Virginia at Rodin na patuloy sa pag-aasam na magkaroon ng sarili
nilang anghel. Sila ay sampung taon ng pinagsama ng panginoon ngunit hindi pa
rin natutupad ang kanilang inaasam-asam na magkaanak. Sa tulong ng isang
dalubhasang doktor at natupad ang kanilang nais na magkaroon ng supling.
Lumundag sa galak si Rodin ng malamang lalaki ang kanyang anak ngunit hindi ito
matanggap ni Virginia sapagkat yaon ayon sa kanya ay bunga ng kasalanan. Dahil
sa isang panaginip na hindi niya inasahan ay nanaig ang lukso ng dugo at
biglang hinagkan ang anak na inimo’y ilang taong hindi nagkasama. Dama ang
pananabik sa kanyang anak.
II.
Pagsusuri
A. Uring
Pampanitikan
Ang
akda ay isang halimbawa ng maikling kwento sapagkat masisilayan ang mga element
ng isang kwento. Mayroong tauhan, tagpuan, kasukdulan, kabalangkasan, saglit na
kasiglahan at wakas
B. Istilo
ng Paglalahad
Ang
manunulat ay nagsimula sa paglalahad ng mga katangian ng tauhan. Inihalayhay
niya ang mga pangyayari sa masining na pamamaraan at hindi naging maligoy sa
pagpapalabas ng mga ideya.
C. Balyus
Ang
lahat ng bagay sa mundo ay may tamang panahon at pagkakataon, huwag mawalan ng
pag-aasa at ang pinakaaasam ay makakamtam din hindi man ngayon, maaaring bukas
o sa susunod na panahon.
D. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan/Teorya
•
Teoryang
Realismo – Ang kwento ay nakapaloob sa teoryang ito sapagkat katotohanan ng
buhay na may mag-asawang matagal ng nagsasama, may kaya sa buhay ngunit hindi
basta pagkalooban ng anak. Lahat ng santo ay pupuntahan upang makapgdasal
lamang na mabiyayaan ng hinihiling na supling.
•
Teoryang
Eksistensyalismo – Ang teoryang ito ay nakatuon sa interpretasyon ng buhay ng
tao sa mundo kasama ang problemang hated nito. Maaring ipasok ditto ang
sitwasyon na kung saan ay mayroon silang marayang buhay ngunit suliranin nila ang
pagkakaroon ng anak sapagkat may sampung taon na silang kasal.
2. Mga pansin at Puna
Napansin
ko na, ano mang problema ang dumating kay Virginia ay lagi siya natawag sa
panginoon. Tuloy-tuloy ang daloy ng kwento. Ang may-akda ay gumamit ng
matatalinhagang salita,gayunman, madali pa ring naunawaan ang teksto.
3. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
Hindi
lahat ng bagay sa mundo ay perpekto. May mga pagkakataon na kahit nasa
ito na ang lahat ng kailangan mo para mabuhay ay palaging may kulang.
B. Bisa
sa Damdamin
Naantig
ang aking damdamin sapagkat ang mga tauhan sa kwento ay positibo sa kanilang
buhay. Sa kabila ng tagal ng panahon na walang anak ay hindi pa rin sila
sumusuko na baling araw ay darating din ang bubuo sa kanilang pamilya. dahil
ditto, hindi naglaon ay natupad din ang matagl na hinihintay.
C. Bisa
sa Kaasalan
Pananalig
sa Poong Maykapal ay isang magandang asal na dapat taglayin ng lahat ng tao sa
mundo.
D.
Bisa sa Lipunan
Ang
akda ay maaaring maging sandigan ng mga mag-asawa na sa kasalukuyan ay hindi pa
rin nagkakaanak sa kabila ng tagal ng panahon na nagsasama.
IV. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
A. Kulturang Pilipino
Isa
sa kulturang bantog sa mga Pilipino ay ang paghiling sa mga santo o ang
pagtungo sa iba’t ibang simbahan bilang panata para matupad ang kanilang
hinihiling sa panginoon.
C
.Simbolismong Pilipino
Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging
relihiyoso at ang pagpapanata sa mga santo at simbahan sa paniniwalang sila ay
mapagkakalogdan ng biyaya na kanilang hinihiling.
👍
ReplyDeleteJd
ReplyDeleteAnong imahen ng kulturang pilipino ang inilalarawan nin rodin at viginia?
ReplyDeleteAno ang pansuportang kaisipan?
ReplyDelete