Masusing
Pagsusuri ng Maiklling Kwento
I.
Pamagat ng Akda: Dalawang Paso ng Orchids
May-akda: salin ni Buenaventura S. Medina
Sanggunian: Panitikang Asyano
Mga Tauhan:
1. Nguyen- Ang tanyag na matandang iskolar
2. Boi-Lan-Apo ng matandang iskolar
3. Mr. Ngoc.- ang nagsasalaysay sa kwento
II.
Buod
Ang
kwento ay nagsimula sa pagsasalaysay tungkol sa isang matandang iskolar na
pinakamatalik na kaibigan ng kanyang ama. Siya ay nagtataka sapagkat ni minsan
ay hindi man lamang ito nakikita sa mga handaan kasama ang mga importanteng tao
sa kanilang palasyo. Tanging ang uri ng pagtanggap ng kanyang magulang ang
napansin niya sapagkat sa tuwing darating ang matanda ay ang kanyang ama mismo
o dili naman ay siya ang naghahanda ng tsa ng insenso. Inilarawan din na ang
bahay ng matanda ay isang kubong pawid na itinayo sa gitna ng isang hardin na
hindi naman kalakihan. Ang tanging pinagkakaabalahan ng matanda ay ang
paghahalaman at pag-aalaga ng dalawang paso ng orchids na kailanman ay walang
katumbas na halaga.
Sa
hindi inaasahang pangyayari ay pinagbili ng matandang iskolar ang dalawang paso
ng orchids kahit lubos ang halaga nito sa kanyang buhay at sa buhay ng kanyang
apo na si Boi-lan. Ngunit isinakripisyo ng matanda ang kanyang kaligayahan para
lamang makatulong sa kanyang mga kanayon na walang-wala dahil sa silay
nasunugan.
III.
Pagsusuri
A. Uring
Pampanitikan
Ang
akdang Dalawang Paso ng Orchid ay isang pampanitikang kwento. Ito ay kakikitaan
ng mga sangkap ng isang maiking kwento na may tauhang gumaganap sa kwento, may
tagpuan o lugar ng kinapangyayarihan, may kabanghayan, kasukdulan, at wakas.
B. Istilo
ng Paglalahad
Ang
kwento ay payak na inilahad ng may-akda. Nagsimula ng may pagtatanong sa isipan
ng pangunahing persona o nagsagsalaysay sa akda. Hanggang sa kinalaunan ay
natuklasan niya ang sagot sa lahat ng mga tanong sa isipan.
C. Balyus
Ang
kagandahang aral na nangingibabaw sa akdang ito ay ang kakayahang isakripisyo
ang sariling kasiyahan upang makatulong sa kapwa taong nangangailangan.
D. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan/Teorya
•
Teoryang
Eksistensyalismo – Ang teoryang ito ay nakatuon sa interpretasyon ng buhay sa
mundo at ng kalayaan ng tao sa pagpili. Nakita sa kwentong ito ang
eksistensyalistang pananaw sapgkat mas pinili ng pangunahing tauhan o ng
matandang iskolar na mawala ang kanyang tanging kasiyahan para lamang sa
kanyang mga kanayon na nasunugan.
•
Teoryang
Realismo – Sa teoryang ito ipinakita ang karanasan ng mga tauhan o ng lipunan
sa makatotohanang pamamaraan. Hindi maikakaila na may mga tao tulad ni Nguyen na ipinanganak na makakalikasan.
Ang tanging kaligayahan ay ang pag-aalaga ng mga halaman. Ngunit kaya nilang
isuko ang sariling kasiyahan para makatulong sa ibang tao.
•
Teoryang
Romantisismo – Ang layon ng teoryang ito ay ang pagpapahalaga sa damdamin kaysa
kaisipan. Ang kwento ay maaari ring pumaloob sa teoryang ito sapagkat mas
pinahalagahan ng tauhan ang pagmamalasakit sa kanyang mga kanayon na nawalan
dahil sa sunog sa halip na unahin ang sariling kapakanan.
2. Mga pansin at Puna
Ang
tauhan sa kwento ay modelo ng kabutihan at kagandahang pag-uugali na marapat
lamang na pamarisan ng mga makababasa ng akda. Mayroong bahagi sa kwento na
gumamit ng malalalim na mga salita na maaaring isang dahilan upang hindi agad
maunawaan ang kwento ngunit isa itong hamon sa mga mambabasa para alamin ang
kahulugan nito. Higit sa lahat, angkop ang titulo ng akda sa nilalaman ng
kwento sapagkat ditto umikot ang buong istorya sa kwento.
3. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
Natutuhan
kong may mga bagay o prisipyo ang isang
tao na hindi maipagpapalit o matutumbasan ng anumang halaga ng pera.
B. Bisa
sa Damdamin
Natutuwa
ang tibok ng aking puso mula pa lamang sa simula hanggang sa wakas ng kwento.
Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong handing magparaya para sa ikabubuti ng
ibang tao.
C. Bisa
sa Kaasalan
Naipakita
ang kabutihang asal ng tauhan sa kwento ng magawa niyang ipagbili kahit sa
mababang halaga ang dalawang paso ng orchids na nagsilbinf kasiyahan niya para
lamang makatulong sa ibang tao.
D.
Bisa sa Lipunan
Ang
akda ay nagkintal upang maging matulungin sa kapwa na nangangailangan. Ang
isang nmahalgang bagay ay mas lalong magiging kapakipakinabang kung gagamitin
sa kabutihan ng isang tao.
IV. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
A. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan
Si
Nguyen, ang pangunahing tuahan, ay isang matandang iskolar na hindi mahirap
pakisamahan dahil sa tanyag niyang katangian. Gayunman, siya ay mahirap lamang
na ang tanging pinagkakakitaan ay paghahalaman.
B. Kulturang Pilipino
Isa
sa kulturang Pilipino na ipinakita sa akda ay ang pagiginng mapagmalasakit sa
kapwa Pilipino. Ito ay naipamalas ng tauhan sa sitwasyong ipinagbili niya ang
dalawang paso ng orchids na tangi niyang kasiyahan kahit pa sa murang halaga na lamang para lamang makatulong sa
kapwa.
C
.Pilosopiyang Pilipino
Sa
kabila ng hirap ng buhay na nararanasan ng mga Pilipino ay hindi parin hadlang
ang salapi para lamang sa kanilang pinaniniwalaan.
D. Simbolismong
Pilipino
Isa sa simbolismong Pilipino ay ang
bahay na gawa sa pawid na itinayo sa gitna ng isang hardin. Ito ay nagpapakita
ng tipikal, payak o simpleng pamumuhay ng gma Pilipino. Pangalawa, ang paggamit
ng “po at opo” na simbolo ng paggalang at respeto sa mga nakatatanda.
maraming salamat
ReplyDeleteOmg this helped me in my project TYSM! :)
ReplyDeleteSalamat dito hahaha
ReplyDeleteSaan Yung Tagpuan?
ReplyDeleteHanapin mo
ReplyDeletesaan yung banghay
DeleteDiko kasi rin mahanap
ReplyDeletelawl
ReplyDeleteTakte walang tagpuan! HAHAHAHA
ReplyDeletebahay at harden ata yung tagpuan nila
ReplyDeleteYung suliranin asaan
DeleteHindi si mr.ngoc ang nagsasalaysay. Si Mr. ngoc ay yung lalakeng gustong bumili ng dalawang paso ng orchids.
ReplyDeletesaan yung banghay
ReplyDeleteopo
Deletesaan po yung paksang diwa
ReplyDelete