- Pagbasa
- Ang Pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika. Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang pangkaisipang hakbang tungo sa pagkilala pagpapakahulugan at pagtataya sa nga isinulat ng maakda. Dagdag pa sa kasanayang pang-wika ay ang pagsasalita, pakikinig at pagsusulat. Malaking kapakinabangan ang makukuha sa pagbabasa. Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman, libangan, pagkatuto at mga karanasang maaaring mangyari sa tunay na buhay. Sa pagbabasa, hindi sapat na may kakayahan sa mabilis na pagbasa, ang mahalaga ay ang pagtugon ng isipan sa binabasa maging ang paksang binabasa ay pagkalibangan.
- Proseso sa Pagbasa May apat na proseso ang nagaganap sa pagbasa ayon kay William S. Gary, ang Ama ng Pagbasa, ang mga ito ay ang mga ss: 1. Ang pagbasa sa akda/persepsyon o pagkilala 2. Ang pag-unawa sa binasa/ komprehensyon 3. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga kaalaman mula sa binasa at sa mga dating karanasan/asimilasyon 4. Ang reaksyon sa binasa
- Dalawang Paraan ng Pagbabasa 1. Tahimik – isinasaalang-alang lamang ang sarili at layuning maunawaang mabuti ang binabasa Ilang mungkahi upang mapabilis ang pagbabasa nang tahimik: May mabuting kundisyon ng paningin. May wastong liwanag. May tahimik na kapaligiran. May sapat na sirkulasyon ng hangin. Huwag paisa-isa ang pagbasa ng salita, basahin ang buong kaisipan. Kaliwa pakanan ang kilos nang mata. Isaalang-alang ang mga batas na ginamit upang maunawaan ang detalye. Huwag ikibot ang labi kapag nagbabasa ng tahimik. Kung baguhan pa lamang ilagay ang hintuturong daliri sa labi. Magsanay sa pagbasa nang mabilis
- 2. Malakas – isinasaalang-alang ang tagapakinig/owdiyens upang marinig ang binabasang teksto. Ilang maungkahi upang maging maayos ang pagbasa ng malakas: May mabuting kundisyon ng paningin. May sapat na lakas ng tinig. May wastong tindig. May malusog na pangangatawan. Mahusay na pandinig. Hawakan ang aklat na may sapat na layo buhat sa mukha. May tamang pagbigkas. Isinaalang-alang ang mga bantas upang mabatid kung saan ang diin, pagtaas o pagbaba ng tinig at pahinto. Naiaayon ang interpretasyon ng mukha sa binabasa. Tumingin sa tagapakinig.
- TATLONG SALIK NG PAGBASA 1. Uri ng Bokabularyo Talasalitaan (Kinds of Voc.) 2. Balangkas at istilo ng Pagpapahayag 3. Nilalaman o Paksa ng Binabasa (Content / Subject Matter) IBA’T IBANG PATERN O URI NG PAGBASA 1. ISKANING Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.
- Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng isang taong nais makausap.
- 7. 2. ISKIMING Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa. Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawiliwili sa kanya sa sandaling iyon.
- 3. PREVIEWING Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga ss: a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik. b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print. c. Pagbasa sa una at huling talata. d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata. e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa. f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.
- 9. 4. RE-READING O MULING PAGBASA Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa. 5. PAGTATALA Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.
- MGA SAGABAL SA MABISANG PAGBASA 1. Kalagayan ng Pag-iisip Ang mababang kaisipan ay sagabal sa mabisang pagbasa. Maaring pagmulan ito ng kabiguang mag-ugnay ng mga sagisag sa mga salitang ginagamit ng may-akda at ng kawalan ng kakayahang tumugon sa mga bagay na bagasa at mahinag pagsasaulo ng mga bagay na nakita. 2. Pagbasa nang walang direksyon Kailangang maunawaan ng isang tao kung bakit siya bumabasa. Ano ang layunin niya sa pagbasa? Bumabasa ba siya ng pahayagan upang malaman lamang ang mga balita sa kasalukuyan? Bumabasa ba siya ngmga aklat sapagkat kinakailangan sa kanyang pagpasok sa paalaran?
- 3. Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang magkatulad ang kanilang pagkakasulat Mahalagang unawain ang nilalaman, ang bawat pangngalan, pang-uri, pandiwa, at pang-abay. Mahalagangmahalaga sa isang bumabasa ang lubos na kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng pananalita. Huwag basahin nang minsanan lamang, manapa’y ulit-ulitin. 4. Kawalan ng wastong pamama raan sa pagbasa batay sa layunin Unahin muna ang madadali bago tunguhin ang mahihirap . Katulad halimbawa ng mga aklat. Sagutin muna ang mga katanungang madadali. Ihuli ang mahihirap.
- 5. Hindi paggamit ang mga pananda (marginal notations) Madaling maunawaan ang diwa ng binabasa kung isasalin sa sarilng mga pananalita, mga parirala at bilang ang mahahalagang diwang nais ipahayag. 6. Kulang sa katatagan ng damdamin Ang pagkakaroon ng kaba o nerbiyos at iba pang mga psychiatric ay sagabal sa mabisang pagbabasa. Ang iba pang maaring maging sanhi ng kakulangan sa katatagan ng damdamin ay pagod, pag-aalala, kakulangan ng kawilihan,kulang sa pagtitiyaga,kawalan ng sigla at hindinormal na saloobino hilig sa pagbasa
Friday, March 6, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment